Chapter XXXXXXXXXII Jessica Marie Padilla's POV Nakatanaw ako mula sa balkonahe kung saan kitang-kita ang paglubog ng araw. Kulay kahel ang kalangitan at ang liwanag niyon, ang dagat ay kumikinang dahil doon. Ang tagal na nang huling beses na nakanood ako ng paglubog ng araw. Ang ganda. "You shouldn't be alone here." Halos mawala ang ngiti ko sa boses na biglang sumulpot sa may likuran ko. Si Tyler. Hindi ko siya nilingon pero pinigilan kong may magbago sa ekspresyon ng mukha ko. Ayokong maging rude sa kaniya. "Nakaka-miss manood ng paglubog ng araw. It wasn't my favorite thing, but I admit how beautiful it is." Tumabi na siya sa akin. Pareho na kaming nakapatong ang mga kamay sa pasimano na tanging harang upang hindi kami mahulog. Mataas pa naman ang kanilang bahay, dahil kagaya ng

