Chapter VIII Jessica Marie Padilla's POV Hating-gabi na at tahimik na nasandal sa balikat ko si Kendall habang nanood kami sa malaking smart TV nina Tyler sa sala. Matapos mag-dinner ay bumalik sila sa loob ng kanilang studio at muli kaming naiwan sa living room. Hinayaan naman nila kaming manood at makialam ng kung ano para daw hindi kami ma-bored. But actually, hindi boredom ang kalaban namin, kundi antok. Ako sanay naman ako dahil lagi naman akong puyat. Pero itong mga kasama ko ay tumba na. Aaminin ko, hindi ito ang inaasahan ko. Akala ko ang paggawa ng kanta ay parang paggawa lang ng group project, na puwedeng may nakasingit na out-sider, kasi ganoon gumawa ng kaniya sina Samuel, parang wala lang. Pero kung sabagay, iba-iba naman ang proseso ng bawat artist o manunulat. 'Yong iba

