Chapter IX Jessica Marie Padilla's "Ngayon pala 'yong interview niya," ani Sam habang nakatingin sa TV habang inaabot ang orange juice na ibinigay ko sa kaniya. Kumain lang kami sa labas ni Sam nang magkita kami kanina. Dapat ay aayain niya pa akong mag-sine, ang kaso ay baka matagalan kami sa pila, hindi ako puwedeng gabihin dahil may trabaho pa ako mamaya, kaya naman nagpasya kaming mag-ikot lang sa mall at bandang huli ay umuwi na muna para makapagpahinga muna kami bago magpunta sa Jesstle bar. Sasamahan niya raw ako ngayong gabi. Napatingin ako sa TV dahil sa sinabi niya. Hawak niya ang remote at naglilipat ng channel at napatigil sa isang show. "So, Tyler we have some question here na oo at hindi lang ang isasagot, no follow up questions, don't worry." Naupo ako sa sofa sa tabi n

