Chapter X Jessica Marie Padilla's Pagkapasok namin sa silid ay naupo kaagad siya carpeted floor at sumandal sa ibaba ng maigsing couch. Ako naman ay umupo sa mahabang couch dahil dito ko sanang balak matulog, well, kung okay lang sa kaniya. Pinagmasdan ko siya nang pumikit siya at ipinatong ang ulo sa couch. "Gusto mo pa lang magpahinga, bakit dito ka dumiretso?" Nakita ko ang paglunok niya dahil sa umbok niya sa leeg. "I want to talk to you." Muli siyang dumilat at tiningnan ako. "About what?" Umiling siya. "Akala ko kasi alam mo 'yong sa debut ng The Rio's." Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang napapaisip. Hindi ko alam kung gaano na katagal ang plano na debut na 'yan, kung bakit ngayon ko lang ito nalaman. Pero ayokong mag-isip ng masama, kaya iniisip ko na lang na naging abal

