Chapter XII Jessica Marie Padilla's POV "Sasalubungin sana kita rito, then I found her," sagot ng babaeng tinawag ni Tyler ng Cath. Tumikhim si Tyler kaya napatingin uli ako sa kaniya. "She's uh, she's Catherine Angeles, our manager. Paano kayo nagkakilala?" he looks confused. Napangiti ako. So, she's their manager. Ang nagma-manage sa sikat at successful nang banda. How can be this down to earth person despite of it. Hinarap ko siya at naglahad ng kamay ko. "I'm Jessica. Thank you so much for your time." Nangunot-noo si Cath habang tinatanggap ang kamay ko. "Jessica... Ikaw iyong may-ari ng Jesstle bar?" anya pagkabitiw sa kamay ko. "Yeah." "Yes?" Nagkasabay pa kami ni Tyler. Pumungay ang mga mata niya at muli akong pinagmasdan. "Now that I know you are, lalo akong hindi

