Owen's Pov
"Damm!t !" sigaw ko out of frustration, binagsak ko pasara ang pinto ng kotse ko.
[Saan kaba nag punta babe?]
Dito ako tumuloy sa Duchess Tower Condominium nung hindi ko siya nahabol kanina, ngunit wala pa siya sa unit niya kahit si manang beth wala doon pinalita na rin niya ang pass code ng unit niya, ganun ba talaga siya ka pursigido maki pag hiwalay sa akin?
[Babe bakit?anong dahilan?]
Kung alam ko lang na makikipag hiwalay siya hindi na sana ako pumunta. Ang saya ko pa kanina dahil mag kikita kami yun pala masamang balita ang salubong sa akin.
Alam ko may pagkukulang ako nitong mga nakaraan linggo, aminado ako dun kaso wala akong pag pipilian para din naman yun sa kinabukasan namin dalawa.
[bakit ngayon pa?]
Kinuha ko ang cellphone ko para subukan uli siyang tawagan, naka ilang ulit ako pero hindi ko siya matawagan!
[blinock mo ba ako o pinatayan ng cell phone?]
sh!t !!
sinuntok ko ng malakas ang manibela ng kotse at yumuko dito
Lahat ng ginawa ko ganito ang kapalit?! no! hindi ako papayag! ayaw kong mawala sakin si Joryn! siya lang ang gusto kong makasama, siya lang ang gusto kong maging asawa.
[mahal na mahal kita Joryn, hindi ako titigil hangat hindi ka bumabalik sa akin]
Throwback......
"saan mo gustong simbahan tayo mag pakasal babe?" masaya kong tanong, hindi na ako makapag hintay na maging asawa itong magandang babaeng nasa harap ko. One year and four months na lang graduate na siya, sayang nga lang at mauuna ako hindi ko na siya mababantayan.
Kahit wala siyang pinapansin na ibang lalaki ayoko pa rin ang may umaaligid sa kanya, dito pa lang sa school ang dami nang matang nakatingin sa kanya kahit kasama pa ako, hirap talaga pag maganda ang fiancee mo hindi mo alam kung saan siya itatago.
"ilang ulit mo na bang naitanong yan huh? mag pakasal ka nang mag isa kung nag mamadali ka" masungit na sabi niya
ahahaha napaka seryoso talaga nito, hindi naman ngayon ang tinutukoy ko pag graduate niya ang ibig kong sabihin. Kahit gusto ko na siyang makasa sama dahil baka maagaw pa ng iba, hindi naman pwede.
"ano ba! nag babasa ako" sabi niya, tinangal ko kasi ang hawak niyang libro at hinawakan ang kamay niya.
"babe hindi ako nag mamadali syempre pag graduate mo dun tayo mag papakasal" panunuyo ko
"alam ko kaya manahimik ka muna at nag rereview ako" agaw niya sa libro pero iniiwas ko
"isa owen!" galit na siya ahaha tinawag na buo kong pangalan, bakit ba ang ganda nito kahit masungit na.
"kiss muna" sabi ko at kinindatan pa siya
"anu ba pinag iisip mo nasa school tayo" inis niyang sabi
"sa pisngi lang naman" naka ngiti kong sabi
"ayaw"
"bahala ka hindi ko ibabalik itong libro mo" sabi ko at tumayo na sa kina uupuan ko
"wait!" tawag niya, sabi ko na nga ba hindi ako matitiis nito
"why?" tanong nung humarap ako sa kanya
tumayo na rin siya sa kina uupuan niya at nilapitan ako, hinawakan niya ako sa pisngi nang makalapit siya sa akin.
"sa pisngi lang diba?" malambing na tanong niya, tumango ako nawawala talaga ako pag ganyang boses na ang ginagamit niya sa akin.
"okay" nakangiti niyang sabi, napalunok ako iba talaga epekto niya sa akin, humawak siya sa mag kabila kong balikat para abutin ako mas matangkad kasi ako sa kanya, napa pikit ako nung palapit na ang mukha niya sa akin.
[malapit na] nakangiti kong sabi sa sarili
"got it!" narinig ko na lang na sabi niya, pag mulat ko wala na siya sa harap ko nasa malayo na siya tumatawa.
"see you later babe" sigaw niya na kumaway pa sa akin at tumakbo na paalis
sh!t
napangiti na lang ako sa kalokohang ginawa ng fiancee ko akala ko makakaisa ako pero ako ang naisahan niya.
PRESENT.....
I smile bitterly ng maalala ko ang masayang alala namin na nganganib mawala ng tuluyan.
Wala lang ba iyong mga pinag samahan naming yun? hindi ba niya naisip bago siya nag desisyon?.....
Ring.....
"babe nasaan ka?" sagot ko agad sa tawag
"babe?" nailayo ko nang wala sa oras ang cell phone ko sa tenga para tignan kung kanino caller ID
fΠck bakit sumabay ka pa!
"Jade napatawag ka?" walang buhay kong tanong
"iba yata ang ini-expect mong tumawag" ayan na naman siya
"akala ko ikaw si joryn, sabi kasi niya puntahan ko siya" I said
"really?"
"Jade wala ako sa mood makipag talo ngayon at kung wala kang ibang sasabihin maliban dyan sa pag hihinala mo saka na tayo mag usap" inis kong sabi at pinatayan na siya
Sa tutuusin siya ang may kasalanan kung bakit nawalan ako ng oras sa taong mahal ko, hindi maiisip ni Joryn na hiwalayan ako kung laging nadoon ako sa tabi niya.
Tumatawag uli siya, pinakalma ko muna ang sarili ko dapat sagutin ko ang tawag niya hindi tama na sya ang pagbalingan ko ngayon, baka si Joryn ang gantihan niya at ayaw kong manyari yun, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may manyaring masama sa fiancee ko. Delikadong tao si Jade para kay joryn.
Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tawag
"hello"
"hon sorry kung..."
"ako dapat ang mag sorry kasi ikaw ang napag buntunan ko ng galit" putol ko sa sasabihin niya
"kasalanan ko din hon,pina iral ko na naman ang selos hindi man lang kita natanong kung ayos ka ba o hindi,selos agad isinalubong ko sayo,sorry talaga" she said sincerely
"it's okay,pasensya na talaga" kailangan ko uli makuha ang loob niya, para hindi siya mag duda.
Kababata ko si Jade magkaibigan ang mga magulang namin, mabait siya pero hindi tulad ng kay Joryn, maganda rin siya pero mas maganda ang fiancee ko na ikina iingit niya lalo rito, sa talino malayo ang agwat nilang dalawa, sa lahat ng aspeto lamang ang fiancee ko.
"ok na hon, basta bati na tayo huh?" malambing niyang tanong pero walang apekto sakin tulad ng ginagawa ni Joryn pag nilalambing niya ako.
Hindi ko naiiwasan na lagi silang pinag kukumpara tuwing may nagagawa si Jade na ginawa rin sa akin ni Joryn.
"bakit ka napatawag?" tanong ko
"dumating na kasi sila daddy and mommy, gusto ka daw maka usap ni mom" sabi niya
Nabuhay ang galit ko ngayon, kung hindi dahil sa kanilang mag ina hindi ako mapipilitan gawin ang ayaw ko lalo na ang pagtaksilan ang babaeng pinaka mamahal ko.
I cleared my throat
"kailan daw?" pilit kong pina pakalma ang sarili para hindi mahalata sa boses ko ang inis
"bukas daw ng gabi hon, nagpareserve na ako sa resto "
"sige itxt mo na lang sakin kung anung time at saan"
"ok hon, um sabi mo tinawagan ka ni Joryn para puntahan siya?" tanong niya
"yes,why?" ibabalik na naman niya sa usapan tapos mag seselos haist bakit ako naipit sa babaeng ito.
"baka ka tinawagan para mag pasamang umuwi sa Lorenzo mansion" sabi niya
"pano mo nasabi?" nagtataka kong tanong
"remember magkaka sama ang mga Lorenzo siblings with their wives na pumunta sa London"
Oo nga kung umuwi na magulang niya umuwi na rin si tito Charles. Kaya wala siya sa unit niya umuwi siya ngayon doon.
"thanks hon" I said
"don't thank me, sinabi ko sayo yun para wag mo siyang samahan magagalit si mom pag hindi ka makapunta bukas sa dinner"
"ok" I ended the call
Naisuntok ko uli sa manibela ang kamao ko. Dapat kong sundan si Joryn kailangan namin mag kaayos pero hindi pwede ngayon dahil gusto ako makita ng ina ni Jade.
sh!t bakit ngayon pa!?
Sa ora na hindi ko mababawi si Joryn sisirain ko lahat ng pinag paguran nyo ng mommy mo Jade.
Perla's PoV
That young lady was so polite and kind. It's a pity she left immediately i really like to have small talk with her.
It doesn't matter, she gave me her number and also promised to come with me tomorrow when I called her.
Saan kami pupunta? matagal na akong hindi napapasyal mula nung nag asawa si Yan, Nakaka lungkot naman kasi lumabas mag isa. Ano kaya ang pwede namin gawin bukas?
ting!
evil smile slipped on my lips when I thought some idea
"what do those smiles mean?" Eduardo asked, he seat beside me
"nothing,I just thought some idea" I reply back " nailagay mo na ba sa kwarto yung mga paper bags?"
"oo, ang dami nilang binigay na regalo sayo?"
"para kay Gine at Yan yung iba doon, pinabibigay nila" paliwanag ko
"mmm,mabalik tayo anung idea ang naisip mo? sa ngiti mo parang hindi maganda ang naisip mo"
"yeah but I want to prove something tomorrow" I admit
"what is it?"
"come with me tomorrow and you will find out"
Inabot ko ang telepono sa tabi ng sofa at nag tipa ng numero.
"ano nga yun?" he insisted
sinenyasan ko siya na tumahimik nung may sumagot na sa tawag.
"hello"
"apo si granny ito, ipapaalam ko lang na dadaan kami ng lolo mo bukas diyan wag na wag kang aalis kundi mag tatampo ako sayo" sabi ko
"mMm" sagot niya
"ok bye" sabi ko at pinatay ang tawag
lumawak ang ngiti sa labi ko dahil sa mga tumatakbo sa isip ko na.
"kung anu man yang pina-plano mo wag mo nang ituloy" sabi ng asawa ko
"don't worry Eduardo gusto ko lang malaman kung totoo ang mga sinabi ni Yan"
"alam mo pag nagalit yang apo mo" paala niya
of course kaya nga isasama kita bukas dahil takot sayo apo mo
"hindi mo naman ako pababayaan diba" i smile sweetly
"sabi ko na nga ba, ako ang gagawin mong pananga" reklamo niya
"ayaw mo?"
"do I have a choice?" balik tanong niya
"thank you dear" nakangiti kong sabi at niyakap siya,ano kaya manyayari bukas excited na akong mag kakilala silang dalawa, malalaman ko kung mahalaga talaga kay Dwayne ang asawa niya.
**************************
Hi/ hello po sorry kung ngayon lang po ako naka pag updatemay problema po sa website kagabi hindi maopen yung account ko at hindi lang po ako yung namoblema kagabi marami po kami, pasensya na po talaga.
Thank you po sa mga old and new readers ko po, sa new readers po paki follow naman po ako kung ok lang po, thank you☺
THIS CHAPTER IS DEDICATED TO:
Nyli Orellabas and Stephanie Radovan
at Xhenghai Nun na nag comment po thank you na appreciate ko po☺