Joryn's PoV
Ang sarap talaga ng pakiramdam pag ikaw ay nasa kinalakihang mong lugar, iba yung vibes na doon mo lang mapi-feel sa lugar na yun, yung Familiarity, comfortable and relaxing na hindi mo mahanap sa iba.
Safe and secured,sa isang tao ko lang nararamdaman yun, Kahit bilang pa lang ang interaction namin basta tuwing mag kasama kami o pag nasa villa ako at kapag yakap niya ako.
Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa huling naisip ko.
Bigla kong naalala si Dwayne ....
[kumain na kaya siya?]
[tawagan ko ba?]
[baka busy siya wag na lang]
"tawagan mo na hindi yung para kang pusang malapit ng manganak ikot ka ng ikot diyan" natatawang sabi nung dumating
Napako ako sa kina katayuan ko, bakit ba ako ang lagi nakikita ng batang to.
"I thought you said that you are going home now?" pag susungit ko mapag takpan lang ang kahihiyan
Uuwi na kasi siya dumating na kasi sila tito at tita, hinatid niya lang ako dito para daw makabawi siya.
"may nakalimutan kasi ako" sagot ni Lucas na nag tuloy tuloy ang lakad papunta sa pwesto ko
"this" kinuha niya ang susi ng kotse sa mesa na winagayway pa sa harap ng mukha ko. Nandyan ba yan mula kanina? Bakit hindi ko nakita?
"wag kang kabahan si grandpa lang ang kakausap sayo" sabi niya, tinapik tapik pa niya ako sa balikat
Iniisip ba nito na natatakot ako na pagalitan ni grandpa?
"I'm not, iba iniisip ko" I answered, kahit hindi ko alam kung galit ba sakin si grandpa o hindi.
"sabi ko na si kuya Dwayne yung iniisip mo" nakangiti niyang sabi
I froze, pano niya nalaman?
"nope, grades ko iniisip ko" I denied
pfft... pigil tawa niya
"lame"
ganun huh!
kinuha ko yung una sa upuan at inihampas sa kanya, kelan ba ako mananalo sa pang aasar niya!
"haha tama na ate" hinaharang niya mga una na ipinapalo ko sa kanya
"lumayas ka na nga" sabi ko pag katapos ko siyang hampasin ng unan
"opo aalis na" tumatawa niyang sabi
"hmmftp" inis-snob ko siya
hahaha
tinignan ko siya ng masama
"eto na paalis na,bye ate" patawa tawa niyang sabi, Tinanguan ko lang siya naglakad na siya palabas ng sala
Sinundan ko siya ng tingin hangang hindi ko na matanaw. Na lipat ang paningin ko sa personal phone na nasa lamesa.
[tawagan ko?]
[sasagutin kaya niya?]
[anung sasabihin ko pag sinagot niya?]
"tawagan mo na,kawawa naman yung cellphone baka malusaw sa tingin mo" pang aasar ni Lucas na akala ko umalis na
"SCRAM!!!" sigaw ko sa kanya at binato ang unan na nasa sofa pero hindi siya natamaan dahil naka takbo na siya palabas.
pabagsak akong umupo sa sofa sa inis, may araw ka din sakin bata ka!
"haha para pa rin kayong bata" si Manang Beth na palapit sa akin, nakita niya siguro ang asaran namin ni Lucas
"ganun na talaga kami manang, may kailangan ka manang?" tanong ko
"pinapatawag ka ng lolo mo iha" sabi ni manang, tapos na siguro mag usap si papa at grandpa.
Nadatnan namin ni Lucas na nag uusap si papa at grandpa kanina, makikita sa mukha nila na seryoso ang topic nila.
"sige po manang"
Tumayo na ako at pinuntahan si grandpa sa study room niya, kumatok muna ako para ibigay alam na nandito nako.
Bumukas ang pinto tumambad sakin ang mukha ng isang lalaki na isang buwan ko ding hindi nakita.
"pa.." masaya kong sabi at niyakap siya sa sobrang pag kamiss ko sa kanya.
"i miss you too sweetie" sabi ni papa na gumanti rin ng yakap, nag tagal kami ng ilang minutong magkayakap ni papa bago niya ako binitawan.
Mula nung namatay si mama hindi nag kulang sa akin si papa.
"pumasok kana at kailangan mong mag paliwanag sa amin ng lolo mo" sabi ni papa parang iba ang dating ng sinabi niya, parang may kakaiba sa kilos niya.
may munting kabang sumibol sa dibdib ko, napaisip ako...
[maliban sa hindi ko pag punta sa company wala na akong kasalanan]
"opo" bumitaw na ako
[masyado lang ako ng iisip ng kung anu ano]
Hindi lumabas si papa kundi nag lakad din papasok, akala ko lalabas na siya mukhang hot seat ang manyayari sa akin.
"grandpa..." sabi ko nung makapasok na ako, tinignan lang ako ni grandpa
Lumapit ako hangang sa harap ng mesa niya habang nakayuko. Si papa naman umupo sa upuan na nasa tapat din ng mesa ni grandpa.
"why?" tanong ni grandpa
Umangat ang tingin ko kay grandpa, Ngayon ko lang uli siyang nakitang seryoso.
"sorry grandpa I did not mean to not go to the company" I sincerely said.
"pinag handaan mo ba yung araw na sinabi ko sa inyo na pumunta kayo sa kumpanya?"
"yes grandpa, hindi lang ako nakapunta because....."
"because of what??" tanong uli niya
"may nanyari lang po" sagot ko, ayokong sabihin ang totoong nanyari for the sake of our family.
"can you tell us?" si papa
"pa..."
"mas importante ba yun?" si grandpa na naman
wala akong maisasagot kung sabay silang mag tanong
"sorry po kung na disappoint ko kayong pareho" nag hingi nalang ako ng tawad para matapos na bago pa ako makorner. Hindi ko napaghandaan ang mga tanong nila.
"ayos lang anak kung na disappoint mo kami dahil hindi ka naka punta pero anak na disappoint kami dahil may mali kang ginawa" sabi ni papa
napatingin ako kay papa, anung sinasabi niya? naguguluhan ako
"anong ibig mong sabihin pa?" I asked, napakunot ang nuo ko nang may ilabas na brown envelope si grandpa at kinuha sa loob nun ang mga pictures.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang mga pictures na nilapag ni grandpa sa mesa.
[saan nila galing ito?]
Picture ng Palace Queen Hotel, Picture ko na nakahiga sa kama at picture ng isang lalaki na buhat ako palabas ng hotel room.
Nakikilala ko kung sino yung lalaki na may buhat sakin kahit likod nya lang ang nakikita sa larawan, sa tindig pa lang alam kong siya yun.
"yan ba ang tinutukoy mong pinuntahan mo?" may halong galit na ang boses ni grandpa
"anong ginagawa mo sa lugar na yan? alam mo ba kung anung lugar yun?"pati si papa may galit na din ang pananalita niya
"may mali ba sa pag papalaki namin sayo?"
"pano mo maipapaliwanag sa fiance mo at magulang niya ang mga yan?"
"sino ang lalaking kasama mo?"
Sunod sunod nilang mga tanong, naikuyom ko ang kamay ko hindi nila dapat malaman ang totoong nanyari.
Anong idadahilan ko?
Dwayne...
Tama siya ang idadahilan ko, dapat maniwala sila, huminga ako ng malalim...
"pa, grandpa asawa ko po yung lalaking kasama ko" sinabi ko yung totoo
"what!" sabay nilang sigaw nabitawan ni grandpa yung hawak niyang ballpen si papa napatayo sa gulat
"hindi nakakatawa ang biro mo" may diin na sabi ni papa
tumitig ako sa mga mata ni papa
"I'm telling the truth pa" seryoso kong sabi
"when" tanong ni grandpa, alam na nilang nag sasabi ako ng totoo
"yesterday at FL law firm"
umupo uli si papa at niluwagan ang necktie niya
"bakit mo ginawa yun? si Owen paano ang kasal ninyo?"
"pa matagal na po kaming hiwalay ni Owen" sagot ko
"ano?"
"panong nanyari yun magkasama pa lang kayong pumunta dito three weeks ago" sabi ni Grandpa
"nag papangap na lang po kami ni Owen nung araw na yun, hindi po kasi namin alam kung pano namin sasabihin sa inyo na hiwalay na kami" pag sisinungaling ko
[sorry pa, grandpa]
"anong dahilan?" grandpa ask
"hindi na kailangan ng dahilan grandpa,pareho na kaming masaya sa mga taong mahal namin ngayon, bigyan niyo lang po ng panahon si Owen makikilala niyo rin po kung sino ang girlfriend niya ngayon"
"kahit na! dapat sinabi nyo pa rin at hindi ka basta basta nag desisyong mag pakasal" galit parin wika ni papa.
[konting acting pa Joryn]
"sorry pa I did that because I love him"
Bumagsak ako paupo sa sahig,tumakip sa mukha ko ang mga buhok ko
"Joryn!"sabay na sigaw ni papa at grandpa,napatayo silang pareho sa gulat nilapitan ako ni papa para itayo pero pinigilan ko siya at nag simula akong mag kwento
"akala ko ayaw niyang mag pakasal sa akin kaya inaway ko siya nung gabi kung kailan lumabas din kaming mag pipinsan, yung gabing din yun hindi ko akalain may mga taong mag babalak sakin ng masama inabangan ako sa pag uwi sa condo at dinala ako sa hotel buti na lang dala ko ang cellphone ko at tiwagan ko siya para tulungan ako, yung lalaki sa picture na buhat ako siya yun nung iniligtas niya ako, nung gabi ring yun nag desisyon siyang pakasalan ako dahil ayaw niya raw na may masama uling manyari sakin at para daw mapanatag na ako,pumayag ako dahil yun ang matagal ko nang gusto .........pa,grandpa sorry kung na disappoint ko kayo, pero mahal na mahal ko si Dwayne hindi ko kayang mawala siya sa akin" umiiyak kong sabi
niyakap ako ni papa"tahan na anak wag ka nang umiyak" sabi niya na hinahagod ang likod ko
"sorry pa" umiiyak ko pa rin sabi
"sorry din anak" sabi ni papa hinawi niya ang mga buhok na naka kalat sa mukha ko at inalalayan ako patayo
"apo pag pasensyahan mo na rin kami kung hindi muna namin inalam ang totoo" he said softly, nilapitan niya rin ako para yakapin
"sorry din po grandpa....."
"tahan na apo,ayos na" pinutol ni grandpa ang sinasabi ko
I sigh in relief, thank you Lord natapos din
[sorry guy's if I tricked you]
"ano pangalan ng asawa mo apo?" tanong ni grandpa nung bitawan ako
"Dwayne po" nakangiti kong sabi
"Dwayne?..."
"Dwayne B. Fajardo of Fajardo Corporation" proud kong sabi
"ano?/ what?!" sabay na naman nilang sigaw sa gulat.
***************************
Hi/hello po☺
Maraming salamat po sa mga bagong readers ☺ wag po kalimutan mag follow po kung ok lang po☺,sa mga dating readers kamusta po☺ thank you po uli sa inyo☺
Sa tatlo nabangit ko po nung last chapter thank you po uli sainyo☺
This Chapter is Dedicated to:
Myra Madrid thank you po☺
Shery May Sai Den and Josephine Quizzagan thank you po sa pag mention sakin sa f*******:☺
Thank you po uli sa inyong lahat☺