Cassian's POV "Anak, ano ba ang nangyari?" Napalingon ako sa aking ina at ama na ngayon ay alalang-alala na sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin, labis na kalungkutan na naman ang tinatamasa ko. Ito na ba ang kaparusahan ko sa lahat? Ito na ba ang karma ng aking mga pinaggagawa sa mga inosenteng tao na walang kinalaman sa mga nangyari sa buhay ko? Ito na ba 'yon? Ilang araw nang hindi nagpapakita si Cassiel sa akin at hanggang ngayon ay magulo pa rin sa aking isipan ang lahat, hindi pa rin ito mabigyan linaw. Hindi ko alam kung tanga ba ako o sadyang bulag lang ako sa katotohanan. "Anak, patawarin mo kami." Naguluhan ako sa sinabi nila kaya napakunot ang aking noo. Hindi ko wari kung ano ang dahilan ng kanilang paghingi ng tawad sa akin. "Ano ang ibig n'yong sa

