Dali-dali kong pinuntahan ang silid ni Cassiel upang malaman ko ang katotohanan mula sa kaniya. Labis na akong naguguluhan dahil sa mga nangyayari. Nais kong marinig sa kaniya na hindi totoo ang aking mga nalaman. Nagulat siya sa biglaang pagpasok ko sa silid niya kaya napatayo siya at hinarap ako nang nakasimangot. Napawi ang pagsimangot niya nang makita niya si Camiell sa aking likuran, napalitan ito ng pagkagulat. Sinundan ako ni Camiell at nais ko sanang huwag na siyang pasunurin ngunit ginusto niya ang sumama sa akin. "Ano ka ba talaga?" tanong ko kay Cassiel dahilan para mabawi kong muli ang atensyon niya. Lumakas ang pagtibok ng puso niya na tila ba hinahabol ng napakalaking aso na nais siyang sakmalin. "Ano ang ibig mong sabihin?" Tumawa siya nang bahagya at iginalaw niya pa

