Hindi ako makatulog at nais ko talagang malaman kung ano ang kaniyang tinatago. Hindi ako matahimik, may kung ano sa akin na nagsasabing alamin kung ano ba ang bagay na 'yon, kung ano ang nangyayari dahil alam kong may hindi tama. Alam kong may mali. Naisipan kong maglakad-lakad na muna at nang maibaling ko naman ang aking atensyon sa iba. Gabing-gabi na at wala nang liwanag. Ang buwan lang ang nagsisilbi kong ilaw. Tumatayo ang mga balahibo sa aking katawan sa tuwing umiihip na ang malamig na simoy ng hangin. Napapayakap na lang ako sa aking sarili kapag nararamdaman ko na ang paggapang nito sa aking balat. Maya-maya pa'y napagod na ako sa pag-apak ng aking mga paa sa sahig kaya umupo ako malapit sa dagat at nagsimulang mag-isip ng kung ano-ano. Iniisip ko na, ano na kaya ang lagay

