Hindi ako nakatulog marahil ay hindi ako mapakali sa aking puwesto. Pakiramdam ko ay kahit anong oras, mawawala si Cassiel sa tabi ko. Nababaliw na talaga ako dahil sa kaniya, nababaliw na ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang ipinakain niya sa akin o kung ano ang ipinainom niya para maging ganito ako, para mag-iba ang nararamdaman ko. Ngayon, malinaw na sa akin ang lahat, malinaw na kung sino ba talaga ang iniibig ko. Hindi na ako magpapabulag pa at hindi ko na hahayaan pa na siya naman ang mawala sa akin. Hanggat maari ay, ikukulong ko siya sa mga bisig ko. Hindi ko na hahayaan na, maiwan akong muli. Nang nakaraan ay magulo pa ang aking isipan ngunit ngayo'y alam na alam ko na. Si Cassiel ang nagpabalik ng saya sa aking labi, siya ang dahilan kung bakit naging kayumanggi i

