Chapter 11
"I have nightmares, every night, at paulit-ulit. Bigla nalang akong magigising, kahit subukan kong alalahanin ang mga pangyayari, hindi ko magawa. I know it has something to do with my amnesia, at ikaw lang ang naiisip kong makakatulong sa akin, Danica." Narinig kong sambit nito, napahinto ako sa paglalakad at muli siyang hinarap. Rumehistro ang pagkabagabag sa mukha nito, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto kong magalit dahil sa ginawa nito sa akin, ayoko siyang paniwalaan dahil baka gumagawa lang siya ng paraan para makaganti sa pag-iwan ko sa kanya. Pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya, he looks vulnerable. Na hawakan mo lang ng bahagya ay mababasag. Lumapit siya sa akin, habang malamlam ang mga matang nakatunghay sa akin.
"Please, help me, Danica." Muli nitong sambit nang makalapit na siya sa akin. I was speechless, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko na halos hindi ko na mapangalanan pa ang mga ito. I promise to myself that I won't shake, I won't let him destroy the wall that I build after he hurt me, nakaya ko ng wala siya kaya akala ko ay malakas na ako.
Pero nagkamali ako.
He is still in my system.
Paglabas ko ng bahay nito ay sinalubong ako ng driver niya na hindi ko alam kung saan nanggaling. I insist to go home kahit na disoras na ng gabi, nakahanda na ang sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto nung driver niya. Sumakay nalang ako dahil nakakahiya naman dito. Habang nakaupo sa backseat ay nakatitig ako sa hawak kong folder, naglalaman iyon ng kontrata.
Pumayag akong tulungan siyang bumalik ang mga ala-ala niya.
Nakakatawang isipin, pero kapalit non' ay ang pagtulong niya na malinis ang pangalan ng kumpanya ko. Wala naman sigurong masama sa gagawin ko hindi ba? Tutulungan ko lang siyang bumalik ang ala-ala niya pagkatapos ay wala na. Mariin akong napapikit at napahilot sa noo ko dahil alam ko naman sa sarili ko na mahal ko parin ang lalaking iyon, oo. Hanggang ngayon ay mahal ko parin si Ridge, at gusto kong bumalik ang memorya niya, dahil baka sakali... baka sakaling kapag bumalik na ang memorya niya at maalala niya ako ay bumalik din ang nararamdaman niya sa akin. Isa akong malaking tanga na umaasa sa isang taong niloko na ako at magpapakasal na sa iba. Tsk!
Halos magliliwanag na ng makauwe ako, mabuti nalang at gising na ang katulong namin at pinagbuksan ako nito ng pinto. Agad akong nagtungo sa kwarto ko para magpahinga, hilo at pagod ang nararamdaman ko. Saka ko nalang iisipin ang mga susunod na mangyayari, sa ngayon ay kailangan ko munang magpahinga pagkatapos ng mga nangyari kanina. Nagising ako nang mataas na ang araw, inaantok pa ako pero pinilit ko nang bumangon. Naririnig ko na kasi sila Nanay at Tatay sa baba, marahil ay nagtataka na ang mga iyon dahil hindi ako hinatid ni Luke. Naupo ako sa kama at binalingan ng tingin ang bed side table ko, doon ko kasi nakasanayang ilapag ang cellphone ko bago ako matulog, saka ko naalalang wala na nga pala akong phone, ibinato ng magaling na si Ridge Buenacera ang phone ko kagabi sa labas ng sasakyan nito. Mariin akong napapikit at iritableng napahilot sa noo ko. Siguradong alam na ni Luke na wala nako sa hotel sa mga oras na ito, at tinatawagan na ako nito. Bumuntong hininga ako bago tumayo at pumasok sa banyo saka naligo.
Pagbaba ko ay napatingin sa akin si Ericka na noon kagagaling lang sa kusina. Ngumiti ito bago nagsalita.
“Gising kana pala, kumain kana.” Sambit nito, saka muling pumasok sa kusina, sumunod din ako rito at iginala ang paningin sa paligid.
“Nasaan sila Nanay?” I asked.
“Kaaalis lang nila, pumunta sa farm at sinama si Rui.” Aniya, habang nilalapag ang pinggan sa lamesa, “Hindi kana nila pinagising dahil alam nilang pagod ka. Tumawag nga pala dito si Luke kanina hinahanap ka.” Dugtong nito, tumango lang ako rito at naupo nalang sa tapat ng pinatungan nito ng pinggan. Naupo rin siya sa kaharap kong upuan, nagkasalubong kami ng tingin nang iangat ko ang mga mata rito.
“Anong nangyari?” Sambit nito. Napalunok ako at sandaling napatitig dito. My sister knows me well, alam niya kung kailan ako masaya, malungkot at alam niya kung kailan ako may dinadalang problema. She knows that I can’t hide anything from her.
“S-Si Ridge.” Panimula ko, ipinatong niya ang dalawang braso sa lamesa at sabay na tumaas ang dalawang kilay habang nagaabang ng susunod kong sasabihin.
“Nagkausap kami kagabi, at h-humihingi siya ng tulong para bumalik ang memorya niya.” Nauutal at halos paos kong dugtong. Alam kong dapat ay wala na akong pakealam sa taong iyon, pero wala na akong magagawa, he cornered me, he knows that I will do anything for my company.
“Sinabi niya iyon? Pero, hindi ka niya naaalala hindi ba? Paano mo naman siya matutulungan, hindi ka naman doctor.” Nagtatakang tanong ni Ericka.
“He thought that I can help him gain his memory, i-if I stay with him all the time. He proposed a deal, I will help him kapalit ng pagtulong niya na malinis ang pangalan ng La Centra.” Tugon ko, umawang ang labi ni Mikaela at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“At pumayag ka?”
“I don’t have a choice, dinala niya ako sa bahay niya and he proposed the deal at gusto kong maiayos ang kumpanya ko.” Sambit ko saka bumuntong hininga. Bumagsak ang dalawang balikat nito bago muling magsalita.
“Sana alam mo kung ano iyang pinapasok mo, Ate Danica. He’s engaged at hindi maganda na may koneksyon parin kayong dalawa.” Sambit nito, tumango ako rito, alam ko naman iyon. Pero anong magagawa ko? Nandito na ito, at hindi naman ibig sabihin na pumayag ako sa deal ay aagawin ko na siya sa fiancée niya at magkakaroon kami ulit ng relasyon. Pumayag ako para sa ikakatahimik ng konsensya ko at para narin sa kumpanya ko. Yun lang iyon.
“I know, that’s why I agreed on him. Alam ko ang pinapasok ko Ericka, don’t worry about me.” Tugon ko rito.
“I’m just worried, alam ko namang si Ridge parin ang laman niyang puso mo, hindi ba? Kaya nga hanggang ngayon ay nagbubulag-bulagan ka parin sa nararamdaman ni Luke para sayo. Nag-aalala ako na baka sa huli ay ikaw na naman ang masaktan.” Aniya, nangilid ang luha ko sa sinabi nito. But I blinked back my tears; I don’t shed a tear for that man again. Not anymore.
“Thank you, Ericka.” Muli kong sambit dito.
“Ah! Oo nga pala, may package na dumating para sa’yo.” Tumayo ito at kinuha sa sala ang isang katamtamang laki na box, bahagyang nangunot ang noo ko sa hawak nito. Wala naman akong naalalang umorder ako ng kahit na ano.
“O pano, mauuna na ako. Papasok pa ako sa trabaho e, basta Ate, lagi mong tatandaan na nandito lang kami palagi para sa iyo.” Nakangiti nitong sambit, ngumiti rin ako dito saka ito tinanguan.
“Magiingat ka sa pagda-drive.” Tugon ko bago ako nito talikuran at umalis. Bumalik ang atensyon ko sa box na nasa harap ko, nang buksan ko ito ay isang maliit na box ng mamahaling phone ang nakita ko. Lalong nangunot ang noo ko at nagtatakang kinuha ang isang maliit na note na kasama nito sa loob.
I’m sorry for throwing your phone,
I hope you like your new one.
And I am looking forward to remember you again.
-Ridge
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nang mabasa ang note na iyon, may kung ano sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Inilapag ko ang note saka kinuha ang phone at binuksan iyon, agad na bumungad sa screen ang hindi rehistradong numero. Bahagyang nangunot ang noo ko pero sinagot ko rin ang tawag.
“Did you like your new phone?” Baritonong sambit ng isang lalaki sa kabilang linya. Boses palang ay alam ko na kung sino iyon.
“Yeah, thank you. But you don’t have to do this.” Tugon ko rito.
“Use it because I need to contact you from time to time.” Aniya, hindi ako nakasagot kaagad dahil hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin ng hindi ako naiilang.
“Do you have some time? Meet me at Le Monet Hotel.” Dugtong nito, napaangat ako ng tingin.
“What do you mean? Nandito ka sa Baguio?” Sambit ko, kumalabog ang dibdib ko at napaawang ang labi, nandito siya? At magkikita kami? Sinundan niya ba ako?! Mariin akong umiling.
“I’m with my lawyer, let’s talk about your company’s issue.” Muling sambit nito sa kabilang linya. Syempre he’s here para sa deal niyong dalawa. Ano bang ineexpect mo?
“Yeah, sure, sige.”
“See you later.” Aniya, saka pinutol na ang tawag. Napapikit ako at mariing kinagat ang ibabang labi, kinokondina ang sarili dahil sa mga naiisip ko. Alam ko naman na kaya lang siya muling lumapit sa akin dahil gusto niyang bumalik ang memorya niya, yun lang iyon.