Chapter 12

2302 Words
Pagkatapos kumain ay nagayos na ako para umalis, dumaan muna ako sa office bago dumeretso sa Le Monet Hotel kung saan kami magkikita ni Ridge. Ilang malalalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako bumaba sa sasakyan at pumasok sa restaurant na nasa loob lang din ng hotel. Kinakabahan ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, ang inisip ko nalang ay gagawin ko ito para sa kumpanya ko. Pagpasok ko sa restaurant ay namataan ko na si Ridge may kasamang isang lalaki na sa tingin ko ay yung sinasabi niyang abogado niya dahil sa suot nitong formal suit. Habang si Ridge naman ay nakalong-sleeve polyester sweater at pants. Tipid akong ngumiti rito nang lingunin niya ako. “Have a seat, Danica.” Baritonong sambit nito, bago siya tumayo at ipinaghila ako ng upuan, pigil hininga ako nang gawin niya iyon dahil halos magdikit na ang katawan namin, dumampi rin sa ilong ko ang mabango nitong amoy. Tumikhim ako bago nagsalita at para narin kundinahin ang sarili. “Thank you.” Tugon ko pagkaupo. “This is my lawyer, Mr. Rodriguez.” Pakilala nito sa kasama. Ngumiti naman sa akin ang lalaki saka nakipagkamay. Ganun din ako,“he’s the one who will handle your company’s issue.” Dugtong nito, habang kumakain ay pinagusapan na namin ang mga dapat kong gawin para maretrieve ang pangalan ng La Centra. Hindi ko akalaing hindi ito magiging madali, dugo at pawis namin ni Kaila ang pinuhunan namin para mabuo ang La Centra pero sa isang iglap lang ganun kabilis itong muntikang mawala sa amin. Halos tumagal ng dalawang oras ang meeting namin, nahahati ang atensyon ko sa lawyer at kay Ridge, ngayon ko lang siya nakita ng maliwanag at malapitan. Lalong lumaki ang katawan nito at naging matured tingnan dahil sa mga stubble nito sa mukha. Minsan ay hindi maiwasang magsalubong ang mga tingin namin dahil nakapwesto ang upuan ko sa harap niya at nasa gilid namin pareho ang lawyer niya. Ako ang unang bumabawi ng tingin, hindi ko kayang tumitig sa kanya ng matagal, para akong tinutunaw. “Thank you Atty. Rodriguez.” Sambit ko nang tumayo na kami at magpaalam na ang lawyer. Pagkaalis nito ay agad kong inayos ang mga documents na pinakita ko rito kanina kasabay ng pagbubuntong hininga ko. “Are you okay?” Tanong ni Ridge na kanina pa pala nakatingin sa akin. I shruged. “There’s a lot of thing to process, I didn’t know that this will cost me a lot.” Tugon ko. “That’s why we have a deal, we’re going to help each other.” Malumanay nitong sambit, napaangat ako ng tingin sa sinabi nito, memories flashback into my head. I had a sudden ‘what ifs’ Muli kong naalala kung paano niya pagaanin ang loob ko sa tuwing namimiss ko ang pamilya ko at sa tuwing inaaway ako ni Mrs. Leonore noon, kung hindi ba nangyari ang lahat ng ito at kung naaalala niya ba ako, ano na kaya kami ngayon? Masaya kaya kami ngayon? Tipid ko siyang nginitian saka tumango rito. “Thank you, Mr. Buenacera.” Sambit ko. “Busy ka ba? If you’re not, maybe you can join me for coffee... I found a nice coffee shop nearby.” Tugon nito, his deep baritone voice never fail to make me shiver, tumango lang ako rito. The place is nice and cozy, tanaw na tanaw ang bundok ng Sierra Madre mula sa table namin, sa tagal kong nakatira dito hindi ko pa masyadong nalilibot ang buong lugar dahil narin sa pagka-busy ko sa negosyo at sa sarili ko. Hindi ako makapaniwalang magkasama kami ni Ridge dito, tinatanaw ang isa sa pinakamagandang lugar na nilikha ng Diyos. “Danica...” Baritonong sambit ni Ridge na kinalingon ko, naiwan pang nakangiti ang mga labi ko dahil sa pagkamangha ko sa lugar. Sandali ako nitong tinitigan at binaba ang tingin sa mga labi ko, napalunok ako sa ginawa niyang iyon kaya agad ko iyong tinikom at kinuha ang kape na nasa harap ko at ininom iyon. Tumikhim siya bago muling nagsalita. “Can you tell me, what happened before my accident? And h-how did I ended up cheating on you...” Tanong nito na halos hindi niya masabi ang mga huling salita, marahil ay hindi niya matanggap sa sarili niya na nagkamali siya sa akin at naiinis siyang naguguilty sa bagay na alam niyang mali pero hindi niya alam kung paano at bakit niya ginawa. Napatigil ako sa sinabi niyang iyon, nang pumirma ako sa deal namin ay inihanda ko na ang sarili ko na balikan ang nakaraan, balikan ang sakit na halos dumurog sa akin. Pero ngayong nasa harap ko na siya at hinihingi sa akin ang mga dahilan ng sakit na pinaranas niya sa akin ay pakiramdam ko, unti-unti ko ulit nararamdaman ang sakit na iyon, na akala ko ay tatawanan ko nalang kapag muli ko itong maaalala. I was wrong, the wound is still here, nakatago lang. “I think it started with the black dress that you’ve given me, hindi ko sineryoso ang lahat ng ginagawa mo para sa akin dahil akala ko, pinagtitripan mo lang ako. You were my boss, tagapag-mana ka ng kumpanyang pinagta-trabahuan ko. Isa kang Ridge Buenacera, you can do anything, and get everything that you want. I know for a fact that one day, you’ll woke up and realize na hindi mo talaga ako mahal...” Lumunok ako dahil sa panunuyo ng lalamunan ko at pagkabasag ng boses, he was staring at me, I saw a mix expression upon his face and I don’t know how to name it. “And you did it, siguro may kasalanan din ako kung bakit mo nagawa sa akin iyon, Ridge. Sa kagustuhan kong may mapatunayan kay Mrs. Leonore, nakalimutan ko ang mga obligasyon ko bilang asawa mo. At siguro n-nahanap mo iyon sa iba.” Dugtong ko, halos hindi ako makahinga habang sinasabi ang mga bagay na ito sa harap ng lalaking nanakit at minahal ko ng sobra. “H-how did you know?” He asked. “I just knew it on the day of your accident...” Tugon ko. Mariin siyang napapikit at pinatong ang magkasalikop nitong palad. “I’m sorry... this is all my fault, I’m sorry Danica.” Sambit nito, muli ko siyang tinitigan he looks confused, guilt is also visible in his handsome face. Parang may kung anong humaplos sa puso ko. I want to console him, I want to tell him that it’s okay, it’s all in the past and we should move on... move on? Is that what i really want? To go on with my life without him? My inner self prostested, I know deep inside he is still there. That if he beg me to come back, I will be more than willing to give in and go back to him. Sabay kaming nagtungo sa parking lot ng cafe, kapwa tahimik at ang tunog lamang ng stilletos ko ang naririnig sa paligid. I don’t want to initiate the conversation after we talk about his cheating issue. I guess tinutuligsa na siya ngayon ng guilt after what he heard my reasons. Magkatabi lang ang mga kotse namin kaya nang makarating sa kotse ko ay humarap ako rito para magpaalam. “Thank you, Mr. Buenacera.” Sambit ko rito, he stare at me blankly. Nandun parin ang confusion sa mga mata nito na alam kong pilit niyang tinatago. “Thank you din, Ms. Jensen, take care.” Malamig nitong sambit saka pumasok na sa kotse nito. Bumaba ang tingin ko at pumasok narin sa kotse ko. Maybe it is much easier kung magiging civil nalang kami sa isa’t-isa. We both engaged into an agreement, iyon lang naman dapat ang iniisip naming pareho, we just meet and talk because we have a deal and we both have benificial to each other. This is just a business, we need to be professional. Dumaan muna ako sa company dahil may mga kailangan pa akong tapusin, lumapit sa akin ang secretary ko nang dumating ako. Ibinigay nito sa akin ang mga kailangan kong pirmahan at basahin, kinuha ko lang iyon saka pumasok na sa office, napasandal ako sa swivel chair ko at malalim na bumuntong hininga. I want to act like there’s nothing wrong, pero sa tuwing maaalala ko ang ekspresyon ng mukha ni Ridge kanina ay parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ko. Hindi ko alam kung kailan kami ulit magkikita, wala naman siyang sinabi kanina at iniwan nalang ako sa parking. I tried to compose myself and focus on my work. Halos magmamadaling araw na nang mapatingin ako sa wrist watch ko, inangat ko ang tingin sa paligid, halos nakapatay na ang ilaw sa buong office, itinaas ko ang dalawang kamay at nagunat. Pinatay ko na ang laptop ko, saka kinuha ang bag ko at lumabas na ng opisina, hindi ko namalayan ang oras dahil sa dami ng trabaho, paglabas ko sa hallway ay namataan ko pa ang janitor namin na abalang naglilinis. Bumati ito sa akin, ganun din ako at sinabihan itong umuwi na pagkatapos ng ginagawa. Pagbaba ko ay sumaludo sa akin ang security, ginantihan ko naman ito ng ngiti at tuluyan nang lumabas para pumunta sa parking. Pero agad akong natigilan nang matanaw ko roon ang isang pamilyar na bulto ng isang lalaki, nakasandal ito sa sasakyan niya at may hawak na sigarilyo, isang beses niya pa itong nilapit sa bibig at nagbuga ng usok bago ito napatingin sa landas ko. Dumeretso siya ng tayo at agad na tinapon ang hawak. Kailan pa siya natutong manigarilyo? Lumapit ako rito habang nakahalukipkip at nakasabit sa balikat ang bag ko. “Mr. Buenacera, what are you doing here?” Tanong ko rito. He lick and purse his lips before he speaks. “I want to know more, Ms. Jensen, can we have dinner?” Baritono nitong sambit, tumaas ang kilay ko rito. Anong oras na ha, hindi pa ba siya nagdi-dinner? Sandali ko pa siyang tinitigan nang magbago ang ekspresyon ng mukha nito, para siyang nakikiusap na nahihiya. Hindi ko alam. “Okay, but I don’t think na may bukas pang mga restaurant ng ganitong oras.” Tugon ko. “Perhaps, you want to go to my place, I can cook.” Saad nito, bahagyang napaawang ang labi ko, I know this is not a good idea. Ilang beses akong nakurap, hindi Danica! Tumanggi ka! Hindi ka pwedeng sumama sa kanya! “Okay.” s**t. Mahigpit ang pagkakakapit ko sa manubela habang nagmamaneho, halos magsugat na ang labi ko dahil sa pagkagat ko rito. Hindi ko alam kung anong naisipan ko at pumayag akong sumama kay Ridge! Nakasunod ako ngayon sa sasakyan nito, namataan ko pa itong nakatingin sa kotse ko habang nakahinto kami sa stop light. Making sure that I’m truly following him? Naiinis ako sa sarili ko, makita ko lang siya ay nanghihina na ako. Nakakalimutan ko na ang mga nangyari at ginawa niya sa akin, makita ko lang siyang nagsusumamo ay lumalambot na ako! Nakakainis! Pagdating sa entrada ng hotel ay agad kong sinipat ang restaurant na kinainan namin kaninang umaga, nabuhayan ako nang makitang bukas pa ito, kakaunti nalang ang mga kumakain dahil hating-gabi na, hindi ko alam kung natanggap pa sila ng guest o pinapatapos nalang nilang kumain ang mga nasa loob. Agad na lumapit sa amin ang mga vallet para ipark ang kotse namin ni Ridge. Ngumiti ito sa akin bago lumapit para pumasok na sa loob. “Ah, Mr. Buenacera, mukhang bukas pa naman ang restaurant ng hotel, dito nalang tayo kumain.” I said with cracked voice because of frustration. Nilingon nito ang restaurant saka muling tumingin sa akin. “I’ve been eating there for two days already, Ms. Jensen.” Aniya. Halos mapangiwi ako sa sinabi nito at wala ng nagawa nang maglakad na ito papasok ng lobby at tinungo ang lift. Habang nasa loob ng lift ay hindi ako mapakali, kinukurot ko ang kuko ko nang hindi ko namamalayan dahil sa stress. “Relax, Ms. Jensen, we’re just going to eat. Makakauwi ka pa ng buhay, I promise.” Napaangat ako ng tingin dito dahil sa sinabi. Tumikhim ako at ngumiti rito, umarteng ayos lang ako. Pero ang totoo ay halos marinig ko na ang kalabog ng dibdib ko. Pagdating sa unit niya ay binuksan nito ang pinto saka ako nito hinintay na pumasok, I didn’t dare to look at him at deretso lang ang tingin ko dahil baka anumang oras ay bumigay na ang mga tuhod ko. The suites is spacious, may isang malaking set ng couch na katapat lang ng kusina, may isang pintuan na sa tingin ko ay kwarto. “Maupo ka muna, I’ll just cook our dinner.” Aniya, hindi ko ito nilingon at naglakad papunta sa balcony nito, tinanaw ko ang labas at napangiti nang makita kung gaano kaganda ang mga bituin at buwan. Nang lingunin ko sa kusina si Ridge ay nagsusuot na ito ng apron habang nakaharap sa sink. His muscles flex as he moves, parang mas lalo yatang lumaki iyon? He is conscious to his body noon pa man, kaya hindi na nakakapagtaka. Halos mabulunan ako sa sarili kong laway nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko at nahuli ako nitong nakatingin sa kanya. Agad kong iginala ang paningin sa paligid ng suites nito, nakita ko pa ang pagngisi nito habang naghihiwa ng mga sangkap. “How long are you staying here?” Tanong ko rito, para lang mawala ang awkwardness namin sa isat-isa. “It depends.” Tipid nitong sagot. Tumango tango lang ako rito saka nagpasya nalang na maupo sa couch, “you’re here that’s why I am here, Danica.” Dugtong nito, hindi ako kaagad nakapagsalita sa sinabi nito. Nandito siya dahil sa akin? Parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD