Chapter 13
“You need to help me, that’s why I am here.” Muling dugtong nito, iniwas ko ang mukha ko, para hindi nito makita ang pamumula ko. Iyan ang hindi nawala sa akin ang pagiging asumera! Nakakahiya!
Pumunta nalang ako sa balcony nito at nagpahangin, baka sakaling mabawasan ang kaba sa dibdib ko at pamumula ng mukha ko. Napakaganda ng view ng mga bahay at bundok mula rito, sumandal ako sa barandilya at humarap sa loob ng suite. Abala si Ridge habang nagluluto, kaya hindi niya ako napapansin na nakatingin sa kanya. Hindi ko mapigilang pagmasdan siya mula sa malayo, naalala ko kung paano niya ako asikasuhin noon, alagaan. Ang kaba sa puso ko ay napalitan ng sakit, hindi ko namalayan ang pamumuo ng tubig sa mga mata ko.
He’s still the Ridge that I fall inlove with but his expression changed, mas maaliwalas ang mukha nito kaysa dati. Mukha siyang masaya ngayon kaysa noong magkasama pa kami. My tears flowed unconsciously. It is better for us to be this way, mas magiging maayos siya kapag wala na ako sa tabi niya. Tama si Mrs. Leonore, he won’t really be happy while I’m with him.
He found his happiness to Meghan, kaya niya ako nagawang lokohin noon, at kaya niya kasama si Meghan ngayon. Tama lang na naghiwalay kami at mali ang pumayag pa ako sa kasunduan namin, hindi na mababago pa ang mga nangyari at ang katotohanang posibleng tadhana talaga na hindi niya ako maalala para tuluyan na akong mabura sa buhay niya.
It’s for the best of both of us.
Agad akong tumalikod at pinahid ng palad ang mga luha ko sa mukha nang makitang papalapit sa balcony si Ridge, I don’t want him to see me like this, I don’t want him to think that I still hurting because I still love him. Ayokong bigyan siya ng kahit na anong ideya sa totoong nararamdaman ko. I can’t.
“Danica?” Baritonong sambit nito nang makalapit sa akin, huminga ako ng malalim bago ko ito hinarap.
“L-luto na ba ang dinner? Kailangan ko na rin kasing umuwi kaagad.” Sambit ko habang nakangiti rito. Sandali ako nitong tinitigan, bahagya akong kinabahan, baka mahalata nitong umiyak ako kaya agad akong nagiwas ng tingin at pumasok na sa loob. Dumeretso ako sa dining at nakitang nakahanda na ang lahat ng pagkain.
“Can we eat now?” Nakangiti kong sambit dito, bahagya itong ngumiti at lumapit narin sa dining para maupo.
“I talk with Mr. Mitzumoto, he’s a japanese fast food chain owner, you can schedule a meeting with him, just tell me kung kailan ka available.” Sambit nito habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.
“Thank you, Ridge.” Tugon ko rito. Ngumiti ito sa akin saka nagpatuloy lang sa pagkain. Binaba ko na ang kutsara ko bago muling nagsalita.
“Um, Ridge,” Panimula ko, inangat nito ang tingin sa akin, dahilan para bumilis ang ritmo ng dibdib ko. “Paano kung hindi na bumalik ang mga ala-ala mo? Paano kung hindi kita magawang matulungan?” Halos magaralgal kong sambit, bumaba ang tingin nito saka muling inangat sa akin, para bang naghahanap ito ng maisasagot. Hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan ang dahilan nito kung bakit niya pa ako kailangang lapitan para lang bumalik ang mga ala-ala niya. He’s already happy, and engaged. Hindi pa ba sapat iyon?
“I was just wondering, kung hanggang kailan ako dapat na nandito kapag kailangan mo, y-you’re engaged and I think it’s inappopriate that I’m with you, considering that I am your ex-wife. Sigurado akong hindi iyon magugustuhan ni Meghan.” Dugtong ko.
“Spend time with me then, one week.” Baritonong sambit nito. Nangunot ng bahagya ang noo ko, processing what he just said. “I know that’s not enough time to recover my memory, but atleast give me a week to make me feel and see what we are before.” Aniya.
“P-pero...”
“After that, I’ll let you go. I won’t bother you again, and you can retrieve the image of La Centra. I promise you that.” Pagpuputol nito sa akin.
Napatitig ako sa sinabi nito, “Okay, let’s go back to being strangers after this.” Sambit ko rito.
My head hurts, my thoughts consume me a lot at wala na akong energy pa, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Umuwi na ako pagkatapos ng dinner na iyon, hanggang sa pag-uwi ay iniisip ko parin ang mga sinabi ni Ridge. At hindi ko maintindihan kung bakit kumikirot ang puso ko kapag naiisip ko ang mga huli nitong sinabi sa akin. Its the right thing for us, he is engaged at may sarili na akong buhay, ayoko na ng gulo at mas ayoko ng masaktan pang muli.
“Luke?” Sambit ko nang makita ito sa sala, sinalubong ako ng kasambahay namin at kinuha ang mga gamit ko. Tumayo si Luke saka ito ngumiti sa akin.
“Hi.” Aniya. Naupo ako sa tapat ng couch na kinauupuan nito.
“Napadalaw ka?” Tanong ko.
“I’ve been busy these past few days kaya hindi kita napuntahan, tumawag ako dito sa bahay nyo dahil hindi ko macontact ang phone mo. I’m waiting for your call.” Sambit nito, napaawang ang labi ko, I forgot to call him dahil nakukunsumo ang utak ko sa mga nangyayari dito at kay Ridge.
“I’m sorry, naging busy lang ako sa company, nakalimutan kitang tawagan.” Nagu-guilty kong sambit dito, ngumiti naman ito bago muling nagsalita.
“It’s okay, nag-alala lang ako nung bigla kang umalis ng hotel.” Aniya, bahagya akong kinabahan, hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang nangyari kaya umalis ako o hindi. I tried to gather my thoughts but I can’t utter anything.
“Danica, it’s okay if you don’t want to tell me, nag-aalala lang ako sayo.” Muling sambit nito nang makita ang pagkabalisa ko.
“I’m sorry, Luke. Pagod kasi ako, I think I need to rest.” Mahina kong sambit, bumuntong hininga ito saka tumango sa akin at tumayo na.
“Okay, I understand. Magpahinga kana, saka nalang tayo mag-usap. By the way, if there’s anything that I can help you with, please tell me. I’m also capable to help you, Danica.” Napaangat ako ng tingin sa sinabi nito, parang may gusto siyang iparating sa akin, hindi ko maintindihan kaya tumayo narin ako at magsasalita pa sana nang unahan ako nito.
“I’m going, magpahinga kana. Good night, Danica.” Aniya saka ako nito tinalikuran at umalis, his expression changed, I saw pain in his eyes when he looked at me. Hindi ko maintindihan, pero ayokong makita si Luke nang ganon. Hindi ako sanay, muli akong napaupo at sinabunutan ang buhok dahil sa pananakit ng ulo ko.
Author’s Narrate.
Muling nilingon ni Luke si Danica bago ito tuluyang umalis, may naramdaman siyang sakit nang hindi magsabi ng totoo si Danica rito. He saw everything, he knew what happened that night dahil nakita niya itong kausap si Ridge ng gabing iyon at sumakay sa sasakyan nito. Nangako siya sa sarili na hindi makikialam sa mga desisyon ni Danica, pero pinangako niya rin dito na poprotektahan nya ito kahit na ano man ang mangyari.
“Where are you?” Sambit nito habang may kausap sa phone nang makapasok na siya sa sasakyan. Agad niyang pinaandar ang sasakyan pagkababa nito ng phone. Hindi lingid sa kaalaman ni Luke ang pagkikita ni Danica at Rige, kaya pinuntahan niya si Ridge sa hotel nito para kausapin. Nakatayo sa may balcony si Ridge habang hawak ang isang baso ng wine. Nilingon nito ang pinto nang marinig ang doorbell.
“Can we talk?” Baritono at seryosong sambit ni Luke pagkabukas ni Ridge ng pinto, umatras ito para luwagan ang uwang ng pinto, agad namang pumasok si Luke at bahagyang natigilan nang makita ang dalawang plato na nasa dining pa. Nagigting ang panga nito at kumuyom ang kamao nang mahinuha kung sino ang kasama nito kanina lang. Lumapit si Ridge sa kusina para kumuha ng isa pang baso at nagsalin ng wine para kay Luke.
“Have a seat.” Aniya, saka naglakad papunta sa couch, inabot nito ang isang baso ng wine kay Luke bago naupo, “I didn’t expect you to be here, Dr. Gallego.” Muling sambit nito nang makaupo na si Luke. Kapwa nagtatagisan ng mga tingin at walang gustong sumuko, binalot ng tensyon ang buong suite.
“Lumayo ka kay Danica.” Matigas at baritonong sambit ni Luke. Ngumisi naman si Ridge habang pinapaikot-ikot ang laman ng baso nito bago nagsalitang muli.
“Who are you to tell me that?” Tugon nito.
“You’re already engage with my sister, ano pa bang gusto mo kay Danica? Can’t you see? She already move on, hindi kana niya kailangan.” Muling sambit ni Luke sa mas matigas at mataas na boses.
“You have no right to tell me what I can and cannot do, Dr. Gallego.” Sambit nito. Kinuyom ni Luke ang kamao nito bago muling nagsalita. Naging mabilis din ang pagtaas baba ng dibdib nito dahil sa galit, while Ridge remain calm.
“Hindi ako papayag na masaktan mo muli si Danica. Kaya lumayo ka sa kanya, ginugulo mo lang ang isip niya, tahimik na ang buhay niya dito, malayo sa mga taong nanakit sa kanya noon.” Mariing sambit ni Luke, binaba ni Ridge ang hawak na wine glass at nagigting ang panga nang marinig ang mga sinabi nito.
“Meghan knows from the start that our engagement is not real, kaya wala kang karapatang pigilan ako na lumapit kay Danica. She’s my wife and I will do everything to bring her back.” Tugon nito, sandaling natigilan si Luke sa sinabi nito, ang buong akala niya ay totoong engage na ang kapatid nito kay Ridge.
“Nahihibang kana ba? You cheated on her! Hindi mo siya pinahalagahan nung nasa’yo pa siya, she’s no longer your wife the moment you betrayed her!” Sambit ni Luke habang nakakuyom parin ang mga kamay.
“I didn’t cheat on her, it was all your sister’s fault!” Tugon nito, bahagyang natigilan si Luke at nalukot ang noo nito.
“W-what do you mean?” He asked.
“What do you think? Lahat ng nangyari noon at ang aksidente ay kasalanan ng kapatid mo, mabuti nga’t hindi ako nagsampa ng kaso.” Sambit ni Ridge, napaawang ng bahagya ang labi ni Luke at gulat na gulat sa narinig nito. Naguguluhan ang mga mata nitong muling inangat sa lalaki.
“Bumalik na ang ala-ala mo? Pero pinaniwala mo si Danica na may amnesia ka parin, napakagago mo!” Singhal nito. Tumayo si Luke at galit na galit na kinuwelyuhan si Ridge. Gusto niyang saktan ang lalaki pero nginisian lang siya nito, “Sa oras na saktan mo ulit si Danica, hinding hindi kita lulubayan Buenacera! Tandaan mo iyan!” Singhal nito, saka niya pabalibag na binitawan si Ridge, tinungo nito ang pinto pero tumigil siya ng muling magsalita si Ridge.
“You will never have her, she’s mine. Only mine.” Nakangising sambit ni Ridge bago tuluyang umalis si Luke at malakas na sinara ang pinto.
Nang gabing iyon ay bumalik ng Manila si Luke, tinatawagan nito ang phone ni Meghan, pero hindi ito sumasagot. Hanggang sa tinawagan na nito ang assistant ni Meghan, sumagot iyon at binigay dito ang address kung nasaan ang dalaga.