Kat's POV "Nay!" tawag kong muli saka kinalampag ang pinto. "Urgh!" dinig kong ungol mula sa loob. Idinikit ko pa lalo ang tainga at pinakinggan ang nangyayari. "R-Rene h'wag!" sigaw nito. Agad kong hinarap si Liliane na namumutla at nanginginig. Nang hawakan ko ito ay uminit na naman ang kanyang temperatura at pinagpapawisan ng malamig. "Nay! Tay! Ayos lang po ba kayo sa loob?!" sigaw ko mula sa labas. Nakakawit ang pako sa pintuan kung kaya't hindi ako makakapasok, depende na lamang kung pagbubuksan nila ako. "K-Kat! Anak u-umalis na kayo ng k-kapatid mo!" nahihirapang bigkas nito. Dinig ko ang palahaw nito habang nakikiusap kay itay, bago muling magsalita. "Ingatan mo si Liliane, tuparin mo ang p-pangarap ko s-sa inyong d-dalawa," dugtong pa nito. Ramdam ko ang pagod at sakit s

