52

1057 Words

Kat's POV Dali-dali kaming tumakbo palabas ng bahay na 'yon. Sinalubong kami ng nakakapanginig na lamig ng hangin at malakas na ulan nang buksan ko ang pintuan. Pagkatapak pa lamang ng aming paa sa lupa ay ramdam ko ang kalamigan at kabasaan noon. Dahil sa pagmamadali ay nakalimutan ko nang magsuot ng tsinelas, o 'di kaya naman ay magbalot ng gamit. Ang mahalaga lamang sa 'kin ngayon ay makaalis dito at iligtas ang kapatid ko. Sinulyapan ko si Liliane na nangangatog sa lamig. Nakasando lamang ito at hindi na nagawa pang magpalit dahil sa pagmamadali. Agad kong hinubad ang suot na long sleeve at iniabot sa kanya. Taka naman itong lumingon sa 'kin, bago tingnan ang halos kahubdan ng aking katawan. "A-Ate, lalamigin ka," nangangatal na sambit nito. Umiling lamang ako at nginitian s'y

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD