Benj's POV Ilang araw na ring naka-confine si kuya Benjo, at ang doctor na tumitingin sa kaniya ay si Logan. Masyadong mabilis lahat ng pangyayari at hindi ko alam kung paano ba kami sa sitwasyon na ito. "Benj, pinapatawag kayo sa office ni General Abeita," sabi ni ate Kia pagkapasok sa silid. Sandali ko itong tiningnan at ibinalik ang tingin sa natutulog kong kapatid. "Magiging okay kaya siya?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kaniya. Sandali pa itong natahimik bago muling magsalita. "Oo naman, malakas ang kuya mo. Naka-survive nga siya mag-isa sa loob ng ilang taon, 'yan pa kaya?" pagpapagaan niya sa loob ko. This time ay hinarap ko siya at nginitian. "Salamat sa pagsama kay kuya Benjo, ate Kia," sinserong sabi ko habang nakatingin ng direkta sa mga mata niya. "Pangako, tut

