Meaghan's POV Inabot kami ng halos tatlong araw para lamang tuluyang gumaling lahat ng kasama ko. Bukod doon ay nagkuta kami sa rooftop ng laboratory. Sira-sira na rin ito, ngunit pwede pang matuluyan. Para na rin mabantayan namin kung sakali man na may susugod muli. Tatlong araw na kami ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakukuha ang nzambi. Tiyak na ilang linggo o buwan lamang ay guguho na ang estrukturang ito at mawawalan ng saysay lahat ng isinakripisyong mga buhay at pagod para lamang hanapin ang ingredient na 'yon. Isa na lamang ang alam kong makakatulong sa amin. Isa na lang... "Captain, hindi po talaga namin mahanap kung nasaan ang nzambi. Sigurado po ba kayong dito n'yo 'yon nakuha?" nagtatakang tanong ni Erin. Bukod kay Luna at sa akin, isa pa siya sa ilang

