Meaghan's POV Dahan-dahan kong iminulat ang mata at nakiramdam sa paligid. Katahimikan ang tumambad sa akin. Wala akong marinig na kahit ano. 'Hindi pa ba ako okay?' tanong ko sa sarili. Natigil ang pagkuwestyon ko sa sarili ng makarinig ng impit na hiyaw hindi kalayuan kung nasaan ako. Iginala ko ang mata at pilit nag-adjust sa dilim na sumalubong sa akin. Ang maliwanag na buwan ay isang indikasyon na malalim na ang gabi. Pinakiramdaman ko ang sarili at napansing hindi na masakit ang aking ulo, maging ang pagkahilo ay wala na. Dahan-dahan akong tumayo at pilit lumapit sa lugar kung saan ko naririnig ang ingay. Paghawi ko ng tarapal ng isang mahaba at malaking tent ay hindi ko inaasahan ang tumambad sa akin. Ilan sa aking mga kasamahan kani-kanina lamang ay nakaratay ngayon

