Meaghan's POV Akma ko ng bubuksan ang pintuan nang makaramdam ng hilo. Ang isang kamay ay naisandal ko sa malamig na bakal samantalang ang isa ay nakahawak sa ulo. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Parang namamanhid ang aking katawan at humina ang mga senses ko. Hindi ko ito pinahalata at tinulak ang pintuan. Tumambad sa amin ang mga patay na zombies sa lugar. May bakas rin ng mga asido mula sa spitter na nakalaban namin noon. Bukod dito ay mga maitim na dugo at mga sumabog na laman ang nakakalat sa daan. "One, two, three," kalmado kong pagbibilang ng mga zombies sa lapag. Sa tantya ko ay nasa higit singkuwenta ito. Ang nakakalungkot pa ay ang pamilyar na suot nito ng ilan sa mga ito. Ang kanilang uniporme ay pang-militar, indikasyon lamang na kakampi namin ang mga ito. M

