Liliane's POV Maulan ng araw na 'yon ng makauwi ako. Tila nakikidalamhati ang langit sa nararamdaman ko. Mabuti na lamang at may bangka pa akong inabutan para makauwi, kung hindi ay baka maubos na naman ang dibs ko dahil lang sa mahal ng singil nila. Pasalampak kong inihiga ang sarili sa sofa at saka nagbuntong-hininga. "Ang tanga-tanga mo talaga, Liliane," bulalas ko habang inaalala kung anong mga pinagsasabi ko kanina. "Wala namang mawawala sa kanya, kaso sa akin madami. Halos nagastos ko na pangbili ng mga gamit at pamasahe 'yong paunang bigay nila. Paano ko ngayon ibabalik 'yon? Hay nako," dugtong ko pa at saka ipinikit ang aking mata. Dahil sa sobrang pagod ng paghahapit ko lalo at malapit na ang finals, maging ang research defense namin ay palapit na. Bukod pa doon ay ginagabi

