Liliane's POV Akala ko nung una ay madali lang turuan si Jessie. Turns out, nagkakamali ako. Nagkakamali ako. Nagkakamali ako dahil hindi! Hinding hindi! Bukod sa kailangan kong mag-tutor sa kanya sa tuwing free time naming dalawa kapag lunch or recess, hindi ko naman akalain na more than that pa! Bukod sa magdamag kaming magkasama sa school dahil magkaklase kaming dalawa, kailangan pati uwian ay turuan ko sya! Hindi lamang kada weekdays ngunit pati weekends ay kailangang isama. Halos linggo lang ang pinaka day-off ko na ginagamit ko naman ang oras upang magligpit sa bahay dahil tiyak na hindi matutuwa si ate kung aabutan n'yang sobrang dumi doon. "Okay, so ito yung mga subjects natin for this school year," sambit ko at saka pinaglalabas ang mga modules at ipatong ito sa lamesa.

