Liliane's POV Napanganga kami ni ate sa sinagot ni Jessie sa kanya. Ilang sandali pa lamang ay madiin n'yang naitikom ang bibig at tiningnan ng matalim ang lalaki. Lintek! Mas nakakatakot s'ya ngayon kumpara kanina! Kung hindi ba naman gago 'tong kasama ko, e 'di sana wala akong problema! Pinanlakihan ko ito ng mata at hinigpitan ang hawak sa braso nito. Kaso mukhang mali ang pagkakaintindi ni ate kung kaya't ako ang binalingan nito ng matatalim n'yang tingin. "Liliane!" sigaw nito. Ngayon ko lamang s'ya nakitang gano'n kagalit kahit pa sa bagay na hindi naman totoo! Nanlilisik ang mga mata nito at akmang lalapit sa akin nang iharang ni Jessie ang kanyang katawan upang salagin kung ano man ang gagawin n'ya sa akin. "A-Anong sinabi mo?!" nanggagalaiting tanong nito. Nanlalaki ang mat

