54

1626 Words

Kat's POV Iyon ang dahilan kung bakit kami nandito. At hanggang ngayon ay tinutupad ko pa rin ang pangako ko kila nanay para kay Liliane, pagkatapos ito ang aabutan ko? Nagdadabog akong bumaba ng hagdan at uminom ng tubig sa kusina. Kinuha ko ang thermos na kahit hindi na mainit ang tubig ay isinalin ko pa rin sa baso upang magkanaw ng kape. Matapang na kape. Nakadekwatro ako sa sofa habang inaantay ang paglabas nila. Makalipas lamang ang ilang minuto ay sabay na silang bumaba ng magkasama. Napakunot ang noo ko sa paglapat ng kamay no'ng lalaki sa kamay ni Liliane. Tila nagulat rin ang kapatid ko at agad tinanggal ang hawak n'ya nang mapansin ang matalim kong tingin sa parteng iyon. "Umupo kayo," madiing turan ko saka itinuro ang upuan sa aking harapan. Nagmamadaling sumunod

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD