K A B A N A T A 37 Hope NAKABIBINGING katahimikan ang namayani sa amin ni Ashton sa loob ng kotse niya. Mula nang umalis kami sa penthouse niya ay tila nahulog siya sa malalim na isipin. “Are you sure you don’t want to sue that woman?” Napapitlag ako sa gulat nang bigla niya akong lingunin. Tuloy ay nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Mula sa pagiging seryoso ay bigla siyang natawa. Napapahiyang iniwas ko ang tingin sa kanya. “Anong itinatawa mo diyan?” “You look cute…” “Pinagsasabi mo diyan, i-iyong tungkol sa kaso na sinasabi mo, hayaan na lang. Dinelete na din naman niya iyong post—” “My team deleted that not her, hindi pa rin siya tumitigil sa paninira sa ‘yo. That’s why I want to teach her a lesson not to mess with you.” Pagod na napabuntonghininga ako at napailing. “Mapap

