K A B A N A T A 38 It’s not her “Hindi ba siya ‘yon?” “Picture mo—” “Subukan n’yo kung gusto n’yong makipaghalikan sa lapag. Mga palakang ‘to, akala mo ke-lilinis!” Hinawakan ko sa braso si Sanya dahil tangka niyang susugurin ang dalawang babae na nasa likod namin. Nasa isang fast-food kami at kanina ko pa napansin ang mangilan-ngilang tingin sa amin pagpasok pa lang namin. Pero binalewala ko ‘yon sa pag-aakalang hanggang tingin lang naman sila pero ang dalawa sa likod namin ay kanina pa nagbubulungan na umaabot naman sa pandinig namin ni Sanya. “S-sa iba na lang tayo bumili, San,” sabi ko’t hinila ang kaibigan kong sobrang sama ng tingin sa dalawa. “Hindi lahat nang mga nababasa n’yo, iyon na totoo! Mga judgemental!” sigaw pa ni Sanya bago kami tuluyang nakalabas. “San, dapat

