K A B A N A T A 4 0 P A R T T W O Scar “SANYA!” Malakas kong isinigaw ang pangalan ng kaibigan ko sa kagustuhan kong magising siya. Pero hanggang sa maipasok siya sa emergency room ay hindi nagmulat ng mga mata si Sanya. Susunod pa sana ako sa loob nang harangin ako ng nurse kaya walang magawa na napaupo ako sa lapag. Umiiyak na naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko pero napatda nang makita ang dugo roon. Nanlabo ang mga paningin ko nang muli ay maalala ko ang imahe ko noon sa parehas na sitwasyon ni Sanya. “Meredith, anak…” ang tawag mula sa ina ko ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. “Magiging maayos din si Sanya, anak, magtiwala tayo sa Diyos.” Inalalayan ako ni Nanay na makatayo at tulalang minasdan ko ang pinto ng emergency room hindi magawang pakalmahin ang takot na na

