Capitulo Diecisiete

2619 Words
Jorge's "Tama ako, una pa lang tama ang hinala ko" Nasa harap ng pinto si Jacintha, nakasuot ito ng kimono na natatakpan ang suot nitong one piece. Dapat ay susunod kami at magna-night swimming kasama ang girls, but we decided to drink for a bit. "Jacintha, why aren't you---" "Hinanap kita, di ko akalaing may heart to heart pala kayong dalawa, at ako ang topic" Walang maaninag na ekspresyson sa mukha nito at deritso lang sa akin ang tingin, galita ito. "Sa tingin ko ay kailangan ko nang umalis", "Walang aalis Donovan, kailangan kong makinig ka sa usapang ito", nanatili naman ang huli. Jacintha is at the door like she's guarding it, he won't try passing her. "You...", puno ng kuryosidad ang tono ng boses ko. Looking back at her, her face screams like she's expecting this to happen. "You knew?" "Iyong totoo? Hindi, pero may gut feel akong higit pa sa ipinakikita mo sa akin ang nais mo at tama nga ako", napabuga ito ng hangin. "Aaminin ko, nauto mo ako, minsan akong nalito pero nang marinig ko ang usapan ninyo ay para bang bumalik ako sa katinuan at pinagtibay lang nito ang dahilan kung bakit ako narito" "Huh! Pinaniwala ko ng sarili kong mahal mo ako...", di makapaniwala nitong sabi. She looks far from hurt, she's pissed. "Jacintha--" "Pero wag kang mag-alala, hindi ko iyon ikamamatay. Ang gusto ko ngayon ay malaman ang katotohanan. Pipilitin kong alalahanin ang nakaraan, iyon ang gusto mo diba? Ang ugnayan mayroon ako sa Mama' mo at ako naman; ay ang ugnayan mayroon ang Mama' mo sa Mama' ko. Ang punot dulo ng lahat ng ito. Kung bakit... kung bakit ako naulila at nauwi sa poder ninyo", disgusto ang namumutawi sa boses nito, like its a filth in her mouth. "I lost my Mom too, Jacintha", duro ko sa lupa. "At ako?...", nangingilid ang luha nito at namumula ang mga labi at pisngi "Kahit pangalan ay di ko mapapatunayang akin. Wala, Jorge. Kahit mukha ng Mama' ko ay nabura na sa isipan ko kaya kung titimbangin natin ay walang-wala iyan sa kinahinatnan ng buhay ko!", hindi na ako nagsalita pa. "Gusto kong kasama ako sa bawat galaw ninyo o hindi ako makikipag-cooperate at gagawin ko ang lahat, lahat lahat makawala lang sa iyo, Jorge" "I...", si Donovan ang nagsalita. "Ayokong makialam pero how about your marriage?", "Patuloy ang pagkukunwari, total magaling ka naman dun di ba, Jorge?", pinahid nito ang luhang tumulo. "We will do whatever it is that you want", ani ko. "Wala na sana tayong naging problema kung sa umpisa pa lang ay naging totoo ka sa akin, pero mas pinili mong maging makasarili" "I never---", tinalikuran agad ako nito at di man lang pinatapos magsalita. I was gritting my teeth so hard. "Sleep elsewhere, ayokong makatabi ka o makasama kang humihanga sa iisang kwarto", tuluyan na itong lumabas ng silid. Napsabunot ni Donovan ang buhok, "She knew, she f*****g new! Ginisa ka niya, Jorge. Like a f*****g onion in a pan!" Kinuha ko ang baso ng alak at hinampas iyon sa mesang nasa harapan ko, dumugo ang king kamay pero wala akong pakialam. I screwed it, she knew. Inalala ang luha sa mga mata at dismaya sa mukha ni Jacintha. Lahat iyon nakatatak na sa aking utak at di ko na mabubura pa. "f**k man!", iniangat ni Donovan ang kamay ko pero winaksi ko ito at kumuha ng magazine na anduon at ipinahid ang sugat saka lumabas na ng pinihit ang pintuan. "Don't be like that, Jorge. At least, nasa panig pa rin natin siya, on your side", wika nito na para bang mapapagaan niyon ang aking pakiramdam. ~~ She is tormenting me. Mula nang makauwi galing sa trip ay nag-iba na ang pakikitungo nito, lalo na kapag kaming dalawa nalang. Sinasamahan pa rin naman ako nito sa hapag pero she barely talks to me. Lumipat na rin ng kwarto niya at she even locks it para masigurong di ako magtatangkang pumasok. Kahit pabango nito ay pinalitan niya ng mint at panay kain ng mint choco. Walang araw ang lilipas na hindi siya kumakain niyon. She's so petty when she's angry, hinahayaan ko nalang. Binibisita lang ako nito sa opisina kapag naga-update ito sa imbestigasyon namin at kung may mga fragments siyang naalala pero bukod doon ay wala na. "Pwede ko ba ulit makita ang nga pictures? Baka may maalala ako" Biglang pasok nito sa office, dis oras na ng gabi, nasa harap lang ako ng computer. Pinasadahan ko ito ng tingin, naka roba ito at mukhang galing lang sa tulog, panay kasi itong tulog ng tulog ngayon. Lumapit ito sa mesa kung saan ako naupo at itinukod ang kamay nito habang pinagmamasdan ang ginagawa ko sa monitor. "Ano to?...", I am so close to her, I can smell her minty smell and I somehow closed my eyes... I like it, I like the smell on her. Naikot ko ang kamay sa bewang nito at hinapit ito palapit. "Jorge!...", pilit nito akong tinutulak pero hindi ko ito binibitawan hanggang sa wala itong nagawa at natingin lang sa akin. I'm still smelling her. "Please, pagod ako ngayon, for a moment, please..." pakiusap ko rito. sSa utak ko, I am crossing my fingers, for I know she won't let me but fortunately, hinayaan niya lang ako. "Mag shave ka na, malapit ka nang magkabigote", komento nito. "Are you concerned?" "Tae mo! Mamatay ka na kung gusto mo!" Aside sa panay itong natulog, ay madalas itong naiirita sa akin, I know she hates me now, but her mouth has been a lot lately. Ang bigote ko naman ay dahil wala akong ganang mag ahit ngayon, kaya siguradong tumutubo na ang buhok sa parteng iyon. Hindi na ako muling nagsalita, ayos na ako sa ganito. Hinahayaan lang ako nito and I'm taking advantage of that dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ito magiging ganito muli kalapit sa akin. "Asawa mo lang ako sa labas, kaya sa oras na tayo lang dalawa ay wala kang karapatang hawakan ako ng kagaya ng dati", walang anong wika nito. "Anong mangyayari matapos? Kung tapos na ang lahat ng ito?", sunod sunod kong tanong sa kanya. "After all the what's and why's are answered and that nothing changed and that all I did with you was true, that I really do care for you?" "Kung totoo lahat iyon, sa una pa lang ay pinagkatiwalaan mo na sana ako. Ayokong masaktan muli gaya ng nagawa noon no Adolf. Kaya ang final call ko, kahit ano pa man ang mangyari ay aalis at aalis ako rito", bagsak ang balikat ko sa turan nito. I should not feel this way but I can't help it, no matter how much I deny it. I don't even know if this is love, but the idea of her out of my sight, away from my side, numbs me to the core. "You were precious to Mom", nakadantay na ngayon ang aking ulo sa may tiyan nito. "You were their pearl. Alongside me, she has you and your Mom" "At nang malaman ko iyon, I was just... just so happy. I open up what I felt to you", I grin at the thought. "Pero isinasantabi mo pa rin iyon dahil alam mo sa sarili mo at alam ko; sinisisi mo ako sa nangyari sa kanya" "Jacintha--", iniangat ko ang aking ulo rito, na ginawa naman nitong pagkakataon upang kumawala sa akin, inayos ang roba at naglakad palayo. "Sabihan mo nalang ako kung may update ulit. Maitatagpi-tagpi rin natin ang katotohanan at kung nadamay ngang totoo ang Mama' mo ay ako mismo ang luluhod sa harapan mo at hihingi ng tawad. Have a good night, Mr. Desjardin" Jacintha's "Pet shoppe, tama", wika ko sa sarili habang pinapakain sa kabilang kamay ko sina Mr and Mrs Bunny, nag-aagawan pa ang mga ito sa mga baby carrots. "Ay wag mag agawan andami pa kaya", habang nasa laptop ako ay nag-iisip rin ako kung ano nga ba ang business na gusto ko g simulan. Maigi ko iyong pinag-iisipan dahil ito na ang magiging buhay ko pagkatapos ang lahat, hindi magiging madali pero I will get there. May mga set backs ako dahil sa mga nangyari nitong nakaraan pero ngayon I know what I want and what I should do. "Ah!", daing ko ng makagat ako ni Mrs. Bunny, napindot ko tuloy ang screen at biglang bumukas ang pinterest page ko na may mga litrato ng mga silverwares, bigla ko tuloy naalala ang nangyari ng gabi ng Ball. Pinahid ko ang dugo at nilagyan iyon ng pressure. "Bat ngayon ko lang iyon naisip", banggit ko sa sarili, na inalala ang gabing nag-panick attack ako. May nag trigger sa akin, at gaya ng pagpapaliwanag sa kin nun ni Jorge ay makakatulong para mas maalala ko lahat. Mabilis kong isinarado ang laptop at inilagay sa cage ang mga kuneho at madaling lumabas ng bahay at nagtungo sa mansyon ng Grandma Sol, minsan lang ako nakatuntong doon. Ngayon ay may dahilan na ako sa pagpunta kahit araw-arawin ko pa. "Andito ba ang Grandma Sol?", tanong ko sa mga katulong ng makapasok na sa kabahayan. "Nasa lanai ho siya at may kausap na bisita. Maupo ho muna kayo at ipapaalam ko" "Hindi, wag na, ako na lang. Asaan ba?", tanong ko dahil hindi ko gamay ang lugar. Itinuro naman nito kung saan papunta doon. Ilang hakbang ko ay nasa lanai na ako at rinig ko ang tawa ng matanda at ang boses ng isang babae at ang babaeng iyon ay walang iba kundi si Scarlett. "You're so funny, Hija. Jorge will definitely like you", nagpanting ang tenga ko sa narinig. Umusog ako patago sa isang pader para hindi nila makita. "And I suppose, tutulungan niyo ho ako di ba?", ngiting ngiti ang namumutik sa pula nitong labi. "Oo naman, dont worry, in just a matter of months ay ikaw na ang magiging bagong Mistress ng Pacific" "Lolo Felixto will be pleased" "To Pacific and Sovereign?", nag toast ang mga ito. Napahawak ako sa aking bibig upang hindi mahigit ang aking hininga. Hindi na ako tumuloy at naglakad na paalis doon ng napatigil ako ng makita ang dalagang babae na minsang ko ng nakita. "Ikaw...", siya nga, sa malapitan ay klaro ang mukha, di ako nagkakamali. Anong ginagawa nito dito? "Bakit ho, Ma'am Jacintha" "Kilala mo ako?" "Kailangan ho namin kilalanin ang mga Desjardin. Kayo ho ang Mistress" "Oo ako nga. Anong pangalan mo?" "Rhea ho", naiilang pa ito. "Ikaw iyong bata na nagtitinda ng shell charms. Anong ginagawa mo rito?" "Ah, dito ho ako nagtatrabaho. Pinapasok ho ako rito ng Lola sa kaibigan niya, si Madame Soledad ho", "Kaibigan?", "Opo, tumutulong ho siya sa amin lalo na sa gamutan ng Lola" Nilakasan ko na ang aking loob at nagtanong dito. "Iyong mga shell charms na ibenibenta mo noon. Sino ang may gawa nun?" "Ako ho, turo sa akin ng Lola", "Ganun ba, sorry, naabala pa kita", nagpaalam na ito at naglakad na palayo. Bakit may ala-ala ako ng mga iyon. Shells, pearls na alam ko na ngayong gawa ng sinasabing kaibigan ng Lola ng bata. Pero bakit parang... may mali pa rin. Nanghihina ang mga tuhod akong napaupo sa bench malapit doon. Pilit ko hinanap sa isip kung ano ang mga bagay na nakaligtaan ko. Kailangan ko maalala ang lahat. Pumikit ako, pero wala, blangko, kahit anong gawin ko hindi ganito kadali. Pakiramdam ko ay nalulula ako, na para bang dama ng puso at katawan ko ang mga nangyari noon kahit pa nilimot na ng utak ko ang lahat. "Madame...", tapik ni Rhea sa aking balikat, may inilabas ito sa kanyang bulsa, isang charm bracelet. "Sa iyo nalang ho, lucky charm namin iyan ng kapatid ko at ng Lola. Totoong pearl ho iyan" Kinuha ko iyon at tiningnan, hindi inaalis ang tingin saka hinimas iyon gamit ang malayang kamay. "Sana ay maging maganda ang pagsasama ninyo ng Don, Madame" At bigla ay rumagasa ang luha sa aking mga mata kasabay ang mga ala-ala na nagsisimulang magsilabasan na para bang mga episode sa isang palabas. Tawanan Mga yakap Munting halik Nagsisigawan Tumatakbo Malakas na putok ng... baril? Hirap man ay kinolekta ko ang aking sarili. Wala akong oras na dapat iaksaya, lalo na ngayon at bumalik nang lahat sa akin, pati na rin ang pait ng mga pinagdaanan kong iyon, namin ng Mama'. Malalim akong napabuntong hininga, hinawakan ang kamay kong nanginginig, nilakasan ang loob. Palihim akong nag-ikot-ikot sa bahay. Ilang minuto rin ang ginugol ko upang mabuksan ang pinto ng pribadong silid ng matanda. Napasok ko ngayon ang opisina niya at naghahalungkat ng pwedeng gawing ebidensya kung mayroon man, kahit kakarampot ay kakapit ako. There must be something... "I heard you came. Di ko naman inakalang sa private office ko kita makikita. Are you unto something?", gulat akong napatigil ng marinig ang boses ng walang iba kundi ni Soledad Desjardin, nagpantay ang aking panga sa galit na nararamdaman ngunit ni kontrol ko ang sarili. "Ipapalit mo si Scarlett sa akin, bilang asawa ni Jorge", lumiwanag sa galak ang mukha nito. "Tama ako, narinig mo nga kami" "Ipinakilala mo na ako sa lahat" "May annulment, Hija" "Ganuon lang ba kadali akong idispatsa sa inyo?" "Isa kang asset Jacintha but I never see you as Jorge's wife, dapat inilugar mo ang sarili mo kung saan ka nararapat", naningkit ang mga mata nito, lumalabas ang tunay na katauhan, isang tuso at walang pusong halimaw. "An orphan, a no one" "Hindi ka hahayaan ni Jorge sa gusto mo" "Well, kaya nga kailangan mo nang mawala; but it should be due to a fateful circumstance", nanlaki ang aking mga mata sa binitawan nitong salita. Plano ba nitong ipapatay ako at palabasing aksidente? Hindi ako makapaniwalang naririnig ko ito sa isang Grandma Sol na magiliw sa lahat. "Ugh! This is why I should've not pettied you and killed you along with your stupid Mama'. Nakinig pa ako sa walang kwentang si Cillian", naglabas ito ng phone at may kung sinong tinatawagan, nakapameywang pa ito. "A-anong sabi niyo?", garalgal na ang aking boses at nagsisimula nang mangilid ang aking mga luha. "Are you shocked that I'm telling you this? Well, mawawala ka na rin naman, so why would I worr--" "Putangina! Anong ibig mong sabihin!", pasigaw ko nang sabi rito, para bigyan ako ng deritsang sagot. Napa eye roll pa ito. "Ang sabi ko, oo, ako ang nagpapatay sa pakialamera mong Nanay. Masyado niya kasing naimpluwesyahan si Audrey. All the talks of the good life. Nagulo ang utak ng anak ko, he's my only biological son he has to set his priorities straight at sa Pacific iyon!", "P-pinatay? ang Nanay ko? I-ikaw?", awang ang aking bibig, di makapaniwala sa rebelasyon nito. Oo, naalala ko pero hindi ko alam kung sino ang may gawa. At sa lahat ay hindit ito ang inaasahan ko g makagagawa nun. "Dapat si Scarlett ang nasa pwesto mo, katabi si Jorge; ruling, at hindi ang isang hamak na ulilang kagaya mo. I don't want history repeating itself again!", pagpapatuloy nito na para bang hindi ako narinig, o talagang walang pakialam sa mga sinasabi ko. Pinapatay sila, ang Mama' ko at ni Jorge; ng Grandma Sol niya! Bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang apat na kalalkihan, kasama doon si Niko. Anong ginagawa nito rito? "Take her to the place. Doon ko na pag-iisipan ang gagawin sa kanya", tinango lang ito ni Niko, sumenyas sa mga kasamahan at lumapit sa akin pero di pa man ay pinagsasapak at tadyak ko na ang mga ito ngunit hindi iyon sapat at nasuntok ako ni Niko sa tiyan, napaluhod ako bago ako hinila patuyo ng dalawang lalaki. Umiikot ang buong paligid hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD