Capitulo Once

2388 Words
Jorge's "Where is she?", tanong ko kay Diane habang ipinapalibot ang tingin sa kabahayan. Wala akong Jacintha na nakita, knowing her, hindi ito mapipirmi sa kwarto. "Nagpaalam po siyang mag-iikot muna sa bahay", "Nang wala ka? Didn't I tell you to always keep an eye on her?", napayuko ito. "Pasensya na ho Sir pero nagpumilig po siya. At hindi naman po siya lumabas. Ang alam ko ay nasa itaas siya kanina" Humakbang akong papunta ng kwarto kung saan ito naglalagi pero wala ito doon. Kahit sa baba ay wala raw ito sabi ng mga security. Kung ganun ay isang lugar nalang ang hindi ko napupuntahan na maari nitong pinasok. My private library. Nang makarating ay bumungad sa akin ang katahimikan. Mukhang wala naman ito doon pero pumasok pa rin ako para masigurado. Tiningnan ko desk at baka may nakita itong di niya dapat nakita, pero wala, ayos ang lahat. Napabuntong-hininga ako. Where the f**k is Jacintha? Inilibot ang aking tingin at pinakiramdaman ang loob. Aalis na sana ng makarinig ng tunog ng pagbagsak. Lumapit ako sa may sulok ng shelve na sa tingin ko galing ang tunog at doon ay nakita ko si Jacintha na pilit isinisiksik ang sarili, nakatagilid ito at nakayuko habang inihaharang ang libro sa muka na para bang makatutulong iyon sa kanya. "Anong ginagawa mo diyan?", nakaarko ang ulong tanong ko rito. Ibinaba nito ang dalang aklat, napakagat labi, di makatingin ng deritso. "Nagbabasa...", tinaasan ko ito ng kilay at inilahad ang kamay rito. Hinila ko ito ng malakas hanggang sa tuluyang makalabas sa sulok na iyon. Lihim akong napailing habang ipinapagpag nito ang sarili at pinapaypay ang alikabuok sa mukha. "Wala ka dapat dito" "Ang laki ng library mo. Bored na ako sa kwarto, Jorge" "Binigyan kita ng laptop" "Sa tingin mo ganun lang kadali magplano?", napaubo ito. "You pleaded for that, I at least thought you already had an idea in mind", hindi ito nasagot. "Binigyan na kita ng mapag-aabalahan mo at hindi pa rin iyon sapat? Ano ba talagang gusto mo?" "Ang gusto ko ay hayaan mo ako at higit sa lahat magtiwala ka sa akin", hindi ako nagsalita. "Di mo man lang sinabing may library ka. Di na sana ako nag club nun", lumapit ito sa shelve na anduon. "Because you should not be here...", "Ano?", lumingon ito, iniba ko ang usapan. "Bukas na ang ball. We will be going for a private fitting this afternoon" "Okay" "Siguro naman ay may endearment ka ng naisip" "Oo naman may tatlo ako. BabyCakes, BunnyBooboo, HumpyPlum...", marahan ko itong binalingan, tila nagpanting ang tenga ko sa narinig, "pero turn between HumpyPlum at BunnyBooboo ako. What do you think?" Pinanlakihan ko ito ng mga mata. Tikom ang bibig nitong natingin lang nga deritso sa akin nga bigla itong nanunuyang napabuga ng hangin. "Pfft! Hahaha!". Itinakip pa nito ang kamay sa bibig ng nakahawak rin sa kanyang tiyan. Patuloy lang ito sa pagtawa, naluluha na ito, pinapaypay pa ang sarili sabay punas ng mga naggilid nitong luha. "Quit laughing...", "Jorge BunnyBooBoo! Hahaha!", tudyo nito na may pakurapkurap pa ng mata at dampi ng mga palad sa pisngi. "Stop it!", bulyaw ko rito. Humihina na ang pagtawa nito at umaktong tila sumasakit pa ang tiyan kakatawa bago muling nagsalita. "Oo na, KJ ka talaga. Wag ka mag-alala hindi kita ipapahiya sa ball" "You better be, anduon ang Grandma Sol. If she is to sense something is wrong", iginalaw ko ang aking ulo. "It will be the ends for us" Nagtaas ito ng isang kilay. "Ganuon ba talaga ka grabe? Lola mo naman pa rin siya at minsan ko nang---" "You know nothing about her and what's she's capable of", puna ko "Kaya pa rin niyang mag host ng isang Ball kahit retire na siya. She has everyone on her back. Hindi natin siya pwedeng kalabanin at.." "At ano?" "Ang ayaw nito sa lahat ay ang niloloko siya. So we better be believable" Sisiguraduhin kong matapos ang Ball ay hindi na nito pagdududahan kaming dalawa ni Jacintha. "So anong plano?" "What do you mean?" "Aside sa endearment, paano kung tanungin tayong dalawa kung paano tayo.. er" her eye twitched, "Nagmahalan?", "I have been thinking about that" Swerte lang tlaga kami at hindi ito nakadalo ng kasal. It would've been worse. "Let's keep it short and sweet. Noon pa man ay may mga chismis na sa ating dalawa. Sabihin na nating totoo at nilihim natin ito hanggang sa nag-away tayo at hindi mo kakayaning mawala ako sa tabi mo dahil mahal na mahal mo ako kaya pinakasalan mo na ako. At na hindi mo kayang mawala ako o mapahamak na handa mong ibuwis ang sarili mong buhay para... sa... akin", sa bilis ng pagsasalita nito ay di ko na namalayang nakatitig na ako dito kaya kamuntikan na itong mautal sa mga huling sasabihin. Iginalaw ko ang aking bibig at natingin sa ibang gawi. Mabilis kasi ito masyadong magsalita. Iyon lang at wala nang iba. "Talk slowly so I can comprehend", sabi ko nalang. "Ah, oo, sorry at nadala lang. Iyon na nga papalabasin natin na ayaw mo akong mawala kaya pinakasalan mo ako, ganun" "What are you holding?" "Ah nakita kong nahulog sa may bookshelf", ipinakita nito ang isang picture frame; litrato iton ng Dad at ako nakapatong ako sa mga balikat nito. Hinablot ko iyon sa pagkakahawak niya. "Sorry, importante ba iyon? Ikaw yun di ba at ang Dad mo?" "Kunin mo kong anong nais mong libro. But do not ever touch any of these pictures" "Natuwa lang naman ako. Hindi ko naman kasi naabutan ang unang Don bago ka. At... ikaw kasama ang Dad mo" "Did you also have no memory of your Dad?", walang anong tanong ko upang maiba ang usapan. Ayaw kong napag-uusapan ang Papa'. "Ha? Ah hindi ko rin maalala pero kung tama ako, kahit malalabong ala-ala ay walang Father figure na anduon. Siguro ay hindi ako lumaki ng may tat--" "Oh, I think I disturbed you", hindi na nito natapos ang sasabihin dahil walang ano ano ay nadisturbo ito. "Uncle Cillian...", tawag ko rito habang maiging hinanap ng aking mga kamay ang bewang ni Jacintha saka iyon doon idinanatay. Inusog ko pa ito papalapit sa akin, nagpatianod naman din ito. "Urgent matter, kailangan kong kausapin si Jorge", "I don't think its as urgent as greeting my wife, Uncle?", binigyang diin ko ang salitang wife. "Oh well, pasensya na. As you can see, I am still adjusting. Anyway, Hello Jacintha", he was all for show. Sana lang ay may senseridad talaga ito, gaya nalang ng sabi ko, kailangan nitong respetuhin si Jacintha. "I guess the new Mistress enjoys her new life?" "Opo, um Jacintha nalang po, wala namang nabago", nahihiya nitong wika. "However you like it, Jacintha. Jorge?", balik nito sa akin. Hinarap ko si Jacintha. "Get ready, aalis tayo. Sa baba ka na lang maghintay. This will be short", hinalikan ko ito sa pisngi, mabuti nalang at hindi ito nabigla dahil nakatingin lang namam ngayon sa aming dalawa ang Uncle. "Okay", umalis na ito ng silid. "Jorge, what are these", nagpakawala agad ito ng pictures sa mesa. It was the foreign private investigator. "Pictures...", iniangat ko ang isa niyon. "Ng taong bugbog sara---", lumapit ito ng nakaduro. "He was going around saying he has something about you. As I was to meet him, that happened. What are you up to, boy?", initsa ko ang larawan. "He is a spy, he has it coming for him", Alam ko naman iyon una palang kaya hanggang doon nalang ang naging usapan namin. Nothing he knows can ruin me, I knew better. "You better pull yourself together, Jorge. Marrying that girl is one thing you can't add another" Lumabas na agad ito ng bahay, at di rin nagtagal ay narinig ko ang sasakyang paalis. Walang nalaman ang Uncle, that's a good thing. Bumaba na ako at nakita si Jacintha na nakatayo sa may sasakyan. Uncle will never know about you, wika ko sa sarili. Sumakay na kami sa loob ng sasakyang kanina pa sa amin naghihintay. "Saan tayo pupunta?", tanong agad nito sa akin. "To the shoppe, in the designers show room. Sinabi ko na sayo, we will be attending a ball. Ayokong magmukha kang basahan doon" "You are now, the Mistress of Pacific", Hindi na ito nagsalita sa kabuuan ng byahe. Di pa man kami makarating doon ay kinawakan ko ang kamay nito. "Let's be believable, even the unsolicited gossip can make or break us", tumango labg ito bilang tugon. Bumaba na kami sa magkabilang side ng sasakyan at nang matabi ito sa akin ay agad kong ipinulupot ang mga kamay sa bisig nito "Be natural", payo ko rito. Pumasok na kami ng botique at agad bumungad sa amin ang mga kulay pula at puti, specifically red carpet. May mga manequin ng wedding dresses at iilang naka hanger at sa dulo ay may pedestal na kung saan ay mga upuan at mesa sa harap na may champagne nang nakahanda sa amin. Agad na lumapit ang may ari ng Botique na iyon sa amin at nakipag-kamay. "We have been waiting" ginaya ako nitong maupo na muna habang kinakausap nito si Jacintha at dinala para sa fitting. Nagsimula itong magsukat ng iba't-ibang mga gown. At ni isa wala akong nagustuhan. Kung hindi kasi revealing ay masyadong mayabong. Kasama ako nito sa buong gabi, ayokong magmukha akong escort ng nagdedebut o prom. It must've been her eleventh, or tenth gown, I lost count ng yamot itong tiningnan ako at bumaba sa pedestal. I took a glass of champagne ang sip on mine ng hinila nito pataas ang suot nitong gown at naglakad papalapit sa akin. Nagsalin ito ng champagne sa bask at ininom iyon ng isang tungga. "Kanina pa ako palit ng palit...", walang emosyon nitong turan. "Well then, marami pa" "Pinaglololoko mo ba ako?", tumaas ang boses nito. "Lower your voice down. I told you---" "Kung ganun ay wag mo ako pahirapan maghanap ng gown. Kanina pa ako rito habang ikaw pa inom inom lang diyan. Kung ayaw mong mag-decide pwes ako ang gagawa nun, since ako naman ang magsusuot. I will have this", mataas nitong litanya. Muli kong pinasadahan ng tingin ang dress. "Not that, a lot of volume. I can't f**k you with that" "Jorge!", halos pabulong ko nitong saway. "Possibilities--", tinakpan nito ang bibig ko. "Oo na, papalitan ko", naglakad na ito. papasok upang makapagpalit. Napangisi ako sa ilalim ng mga kamay nito. Sa huling pagkakataon ay matagal itong lumabas. Halos kalahati na ng champagne ang naubos ko. I let out a groan, this is so tiring, para lang sa iisang gown. Naghihintay lang ako doon ng lumabas na rin ito sa wakas. I bent forward to have a better view. Dahan dahan itong naglalakad papunta sa harap. Hindi ko alam pero tila nagliliwanang ang complexion nito sa suot. Isa iyong embroidered spaghetti strap, trumpet gown na kulay champagne. Hapit niyon ang mahubog nitong katawan at pati ang dibdib nito na bahagyang litaw. Hinawi nito ang buhok at sa ginawa niyang iyon ay gumalaw ang mga litid sa aking mukha ng makitang V shape cut ang likuran. "This is it. Ito ang gown na gusto ko, Cariño", tiningnan ako nito ng may malawak na ngiti. "Maganda sa akin di ba?", pinahihirapan ako nito. She knows I hate her wearing uncovered clothing. Don't get me wrong, I adore woman who dress for themselves but not my woman. She has to show skin, only to me, pero napakahirap iyon kay Jacintha. "Okay, whatever makes you happy, Mi Hermosa", ningitian ko rin ito ng malawak. Nakita ko pang nagsingisihan rin pati ang mga assistant na andun. Nang makarating kami sa bahay ay pagod nitong minasahe ang likod habang papalakad sa loob ng hulihin ko ang mga kamay nito. Lumingom ito ng may pagtatanong sa mukha. Hawak pa rin ng malayang kamay nito ang batok niya. "Come with me for a while", binawi nito ang kamay. "Ayoko, pagod na ako sa dami ba naman ng gowns na sinukat ko. Gusto ko nang mahiga", muli kong hinila ang kamay nito. "That's an order not a request", I grinned at her. Tinangay ko ito patungo sa backyard. "You said you wanted companion. If Diane or Manang Rita is busy or I can't come to your call, have them on your side", umalwang ang bibig nito at napaupo sa receiving area ng patio at tiningnan ang laman ng cage na nasa mesa. "Mr and Miss Bunny", tawag ko sa mga iyon. "Ito?...", turo pa nito sa maliit na hayop sa akin at muli sa hayop "Ibibigay mo bilang companion? Mga kuneho?", She said looking funny. "Kung ayaw mo...", Kukunin ko na sana iyon ng yakapin nito ang cage. I let out an almost silent pft. "Binigyan mo na ng nickname?", tanong nito habang binubiksan ang cage. "They're obviously bunnies, Mi Hermosa", inilabas nito ang mga hayop. "She reacted when she saw your Mom's portrait. May ala-ala siya ng Mama' mo, its within her, maaring masama dahil sa kung paano siya nag react pero ang importante ay may reaksyon na nanggaling sa kanya. I advice to remind her of things, person, activities that has something to do with her past, even just something related to trigger a core memory" Iyon ang mga salita galing sa kaibigang Psychologist ni Donovan. Kailangan namin ng trigger. For the past days I have been busy, but certainly not with Pacific but with my Mother's case and that it somehow has something to do with Jacintha. Sa pag-iimbestiga namin ay minsan itong nagkaroon ng pet at isa iyong kuneho, that is why I gave her the bunnies in the hopes of triggering memories. I'm almost there; just like before, I need patience now and be much discreet dahil hindi ko alam kong sino ang maaring makasira ng plano. Nilalaro nito ang mga kuneho. Ang atensyon nito ay nakatuon sa hayop habang ang akin ay sa kanya. Iniisip kong anong ugnayan mayroon siya sa Mama' at sa pagkamatay niya. At kung mayroon man ay bakit ikaw kung ako ito, ang anak niya. What are your secrets so hidden that even your memory hid it from you, Jacintha? I will know, even if it ruins me, even if it breaks you. I will know and I will have my Mom's revenge and I can feel it coming soon enough.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD