Capitulo Doce

2145 Words
Jacintha's Kanina ko pa nilalaro ang aking mga daliri partikular na ang mga singsing ko na isinauli sa akin kamakaylan ni Akari. Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang party. Nakatunghay ako ngayon sa grand hall sa ibaba namin. Isang malalalim na hininga ang aking kinawala ng makitang unti-unti iyong napupuno ng mga tao. Sinisigaw ng mga suot nitong magagarng damit at alahas na isa silang mga promenenting tao sa larangan nila. Ang silid ay napapalibutan ng mga kulay ng itim, pula at ginto. Ang hall ay puno ng mga mesang puti na engrande ang pagkakaayos at sa harap non ay ang malawak na dance floor kung saan ilang hakbang lang ay makikita ang mataas na aisle kung saan kami bababa mamaya ni Jorge. Kung kailan nila ako makikilala bilang asawa nito. Nanlalamig ang aking kamay na lihim na nakatunghay sa isa sa mga balcony doon. Laro ko parin ang mga kamay ko ng may kumuha nito at idinantay ang aming mga daliri bago iyon itiniklop at hinawakan. "Jorge...", tawag ko sa halatang kinakabahan na boses. "Kumalma ka", umiling ako at kinuha pabalik ang aking kamay. Wala pa kami sa harap nila, hindi nito kailangang gawin iyon. "Alam ko, kailangan ko magpakita ng mukha, iyong makatotohanan. Kung ang katotohanan ay lahat ng ito ay palabas lang natin-- ahw", mahigpit nitong pinisil ang aking kamay. Binabawi ko iyon pero ayaw talaga nitong bitiwan. "Nasasaktan ako, Jorge.", galit ito; pero nagsasabi lang naman kasi ako ng totoo. "Its Cariño for you. And you don't need to remind me and simply do your part...", hinila ako nito paharap sa mga tao sa baba. Kung hindi lang madilim ang kinatatayuan namin ay paniguradong eskandalo ang kahihinatnana naming dalawa. Naramdaman kong naglakbay ang mga kamay nito aking dibdib. "Jo-jorge..", impit kong pakiusap rito at iaalis sana ang kamay nito na bumababa na ngayon sa maselang parte na iyon. Nang hinuli nito ang malayang kamay kong at ibinaba iyon sa ibabang parte niya. "Cause if not, I will f**k your brains out in this fancy dress of yours. At wala kang magagawa kundi ang umungol sa buong gabi nato, Mi Hermosa. Like what I've said; possibilities", bulong nito sa aking tenga na nagdala sa aking mukha upang mamula. "But let's be nice for now. Paakyat na ang Grandma Sol, ito ang unang pagkikita ninyo bilang asawa ko. Gawin mo ang lahat makumbinse lamg siya", tumigil ito sa pagsasalita at hinuli ng kamay nito ang aking baba at iniharap sa kanya. "Convince her that we are heavily in love with one another. Understood?" "Understood", gumalaw ang isang sulok ng labi nito saka pinagdaop muli ang aming kamay. Nang makasalubong namin ang Grandma Sol nito. Dapat talaga ay masanay na ako sa ganito. "The newly wed. Pasensya na at hindi ako nakapunta. My blessings for the two of you", she looks regal sa suot nitong pulang long sleeved dress, naka low bun nitong buhok at mga aksesorya nitong nagkikinangan. Maganda pa rin kahit may edad na. "I would be happy if you would, Grandma", magsasalita na sana ang Lola nito ng nilapitan na kami at magsisimula na daw ang Ball. Kailangan na nila ang host at iyon si Grandma Sol. "Mag-uusap tayo mamaya, Jacintha" Naglakad na ito patungo sa gitna at ilang sandali lang ay isang musika ang pumuno sa silid. Tumayo ang lahat ng bumaba ito at nagsimulang mag speech. Plastado sa mukha nito ang ngiti, dala ang tindig ng isang Donya. Talagang kuha nito ang atensyon ng lahat, at alam nito ang ginagawa. Napahawak ako sa braso ni Jorge. "So let me introduce to everyone, the dawning of a new Era, My Grandson the Don of the Pacific, Jorge and his lovely wife the new Mistress of Pacific, Jacintha" Lumabas kami sa madilim na parte ng silid at naglakad patungo sa gitna. Dumadagundong ang mga palakpakan hanggang sa marating namin ang gitna. Walang ibang ginawa kundi ang ngumiti sa lahat. "I would like a talk with you, later on" , bulong nito sa akin. "Opo, kung kailan niyo gugustuhin", panapos kong sagot. Lumalim ang gabi at puro pakikipagsalamuha lang sa mga tao doon ang ginawa ko. Lahat naman na ang mga iyon ay kilala ko, pero hindi ang ito. Mas naging madali nalang ang lahat sa akin. At nang oras na para sa isang slow dance ay pinakitaan namin sila ni Jorge. Ang ilan ay nakangiting nakatunghay sa amin. Mas maramami nga lang ang mga yamot dahil sa hindi na binata si Jorge. Successful ang plano namin, ang mga reaksyon na iyon ang magpapatunay na hulog na hulog ang mga ito sa pagmamahalan 'kuno' na ipinapakita namin. Matapos kami sa dance floor ay may lumapit sa amin, secretary daw ito ng Grandma Sol. Iniimbita ako nito na maka-usap. Hinayaan lang ako ni Jorge. Sumunod lang ako sa sekretarya na dinala ako sa isang malaking silid kung saan nakatayo ang Grandma Sol. "Madame, the Mistress is here...", wika ng sekretarya. Hinarap naman agad ako nito ng may ngiti sa mga labi. "Jacintha mija", magiliw nitong tawag sa akin saka ibinaba ang tasang hawak niya at niyapos ako ng mga yakap. Napangiti ako sa ginawa nito. Alam kong masiyahin na talaga itong tao noon pa man ngunit hindi ko lang maialis sa sistema ko ang isiping hindi ko kailanman inakala na darating ang pagkakataong yayakapin ako ng isang Solana Desjardin. Hindi ko maigalaw ang mga kamay sa bigla at medyo naitapik lang ang likod nito. "Come join me", niyaya ako nitong maupo na sinunod ko naman. "Sa wakas, may Mistress na ang Pacific", ani nito. Mapakla akong nangiti. "Pasensya na ho at biglaan ang lahat, ang relasyon namin ni Jorge at ang kasalang naganap", napapikit ako sa isiping iyon."Hindi ho tuloy kayo nakapunta. Nag-iisang apo niyo pa naman si Jorge" "Wala kang dapat ihingi ng paumanhin. May mga bagay talaga na hindi natin kontrolada" "Salamat ho sa pag-intindi niyo" Tumayo ito ang kinuha ang tasa niya at lumapit sa malaking portrait na anduon. Kung hindi ako nagkakamali iyon ay si... "This is Robert Desjardin, Jacintha. Jorge's Father and the once Don of the Pacific", tama, siya ang nakita ko sa larawan na nasa library ni Jorge. "Ang totoo ay hindi ko na ikinabigla ang ginawa niya. Jorge has been impulsive and stubborn ever since he was a child", bulgar nito. "But he always has that drive. He was never weak, he knows what he wants and he set his mind into it. Sa kahit anong paraan... kahit na ano ang pwedeng itaya. He knows his game, he plays it well", unti-unting nagbago ang tono nito. Nakatingin na ito ngayon sa akin ng seryoso. "Actually Jacintha, Jorge is the best Don Pacific ever had. Even if his Father is alive to this day. Hindi niya malalampasan ang nagawa at maari pang gawin ni Jorge", may ipinupunto ito pero matamanpa rin akong nakikinig. "Alam mo kung anong kaibahan nilang dalawa, Mija?", umiling ako. "Jorge, is not blinded by love" Tila bumagsak ang aking kumpiyansa sa sinabi nito. Kanina lang ay napakagiliw nito sa akin. Hindi sa binibigyan ko ng masamang kahulugan ang sinasabi nito pero alam ko kung ano ang may laman sa wala. Para bang iniimplika nitong guguho ang pagiging rasyonal ni Jorge dahil lang sa pag-iibigan naming dalawa. Kung ganuon ay wala itong poproblemahin dahil klaro kay Jorge ang lahat. Hinarap ako nito. Ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala na tila naghahanap ng kasiguraduhan galing sa akin. "I meant no harm, Mija. Hindi ko iniimplika na mali na ikaw ang pinili niya, but what I'm trying to say is...", bumalik ito sa pagkakaupo at hinawakan ang aking mga kamay. "Live up to the expectation of being Jorge's wife. The Pacific's new Mistress as I proclaimed to be what you are hours ago", pagrarason nito. Pilit kong pinipigil ang aking sarili. Ayokong magmukhang walang galang sa harap nito. At mas lalong ayokong pagduduhan ako nito at kung anong mayroon kaming dalawa ngayon ni Jorge. "Mahal ko ho si Jorge", proklama ko rito. Fake it tell you make it sabi nga nila. "Oh really? Wonderful then...", nangisihan ako nitong muli. "At gaya ng sabi niyo. He knows his game at sa ngayon, he clearly betted on me", ang mga tingin nito ay tila namamangha sa aking sinasabi. "Para sa kanya ay may kakayanan akong manatili sa tabi niya at nasa Pacific ang katapatan ko at higit sa lahat kay Jorge dahil siya ang taong pinili kong mahalin", Isa isang naglabasan sa aking isipan ang mga ala-ala nang nasa probinsya kami ni Jorge at ang iilang araw na nakasama ko ito, pati ang pagbibigay nito sa akin kina Mr and Miss Bunny. "Maraming salamat ho sa payo ninyo. Makasisiguro ho kayong wala akong gagawin na makasisira kay Jorge at sa Pacific" Luminaw ang kompleksyon nito at muling kinuha ang tsaa niya at sinimsim iyon sa aking harap. "Very well, pagkakatiwalaan kita kung ganun. Drink the tea. Its getting warmer", Kinuha ko ang tsaa na nasa mesa sa aming harap at ipinatong iyon sa aking mga hita. Mainam lang akong nakatingin doon. Ang tsaa ay kulay kahel sa loob ng isang tasang magara ng walang anong nawala ang ngiti sa aking mga labi ng marinig ko sa likod ng aking isip ang isang pamilyar na boses. "Hop away from here, my little bunny. Susunod ang Mama at mahahanap kita. I promise" Nanginginig ang kamay na nabitawan ko ang hawak na tasa, ang pagkatapon niyon ay nag-iwan ng mantsa sa suot kong gown. "Jacintha, are you okay?", nag-aalala nitong tanong. Pinapahid nito ngayon ang ibaba ng aking gown na namantsahan ng tsaa. "I'm sorry, Grandma Sol pero magbabanyo lang sana ako sandali?", "Okay" Buong lakas na pinipigil ang paggaralgal ng aking boses at kinuha ang buong lakas upang tumayo at lumabas ng silid na iyon. Agad akong napasandal sa pader. Hanggang sa maramdaman kong nahihirapan na akong huminga pinilit ko pa rin ang humakbang. "Haaamp!", sinusubukan kong ikalma ang aking sarili ngunit napakapit lang ako sa aking leeg habang patuloy sa paglalakad at ng umikot na ako ag nakabangga ako ng kung sino dahilan upang mapaupo ako, ang aking isang kamay ay nasa sahig, ang isa naman ay nasa aking leeg. "Pa- pasen- pasensya--", tila namanhid na ang mga paa ko at ayaw na nitong itayo ako. "Ayos ka lang ba, hija?", ani ng isang boses. Boses iyon ng isang matandang lalaki. Tiningala ko ito upang mas maayos na makita ang mukha. Nakasuot ito ng gray suit, na kakulay rin ng buhok at bigote nito. "Pa- pasen- hin--", hindi ko makontrol ang sarili ko. "Hey, hey..." hinawakan nito aking balikat. Pinantay nito ang aming tingin. "I think you're having a panick attack. I need you to look and follow me, okay?", wala akong imik. Hindi ko kilala ang taong ito, at puno ng mga masasamang tao ang lugar. Di ko dapat ito pagkatiwalaan hanggang sa ipinakita nito ang kanyang dalawang daliri. "Sa daliri ko ang tingin", itinaas baba nito iyon na sinundan ko naman ng tingin. Ang malayang kamay naman nito ay itinakip sa aking bibig ng hindi napipigil ang aking paghinga. "Huminga ka ng mabagal at malalim gamit sa ilong mo, huwag sa bibig", payo pa nito. "Dahan dahan...", humihinga na rin ito sa ganuong ritmo "Kumalma ka...", pagpapatuloy pa nito hanggang sa tuluyan na akong nakalma at nang magpapasalamat na sana ako rito ay nawalan nalang akong bigla ng malay tao. ~~ "Hm", isang ungol ang kumawala sa aking bibig ng magising sa pagkakatulog. Nasa kwarto ko na ako ngayon. Anong nangyari? Anong oras na? May IV pang nakakabit sa akin. "Miss Jacintha, gising na ho kayo", bungad sa akin ni Niko. "Asaan si Jorge?" Hindi agad ito nagsalita ngunit halata sa mukha nito na may hindi magandang nangyari. Kinabahan ako, at mabilis na tinggal ang IV at ibinalikwas ang kumot. Iniharang ni Niko ang katawan nito upang hindi ako makaalis. "Umalis ka sa harap ko Niko kung hindi--", "May lakad siya ngayon, Jacintha. Iniutos niyang wag kang lumabas ng kwarto hanggat hindi ka tuluyang gumagaling", kunot noo ko itong tiningnan. "Umalis siya at iniwan ang asawa niyang ganito?" tinuro ko ang IV. "Niloloko niya ba ako?" "Importante ang lakad niya. Hindi mo na kailangang malaman ang mga detalye. Ang kailangan mong gawin ay makinig sa sinsabi ko", hindi nito sinagot ang tanong ko. "Asaan siya?", pinaningkitan ko ito ng aking mga mata. "Pupuntahan ko siya". "Hindi maari Jacintha, iniutos ng Don na bantayan ka namin dito at di hayaang malingat man lang sagl--", hahablutin sana nito ang kamay ko ng inunahan ko na ito at agad na ibinalibag sa ere hanggang sa tumama ang likod nito sa sahig. Namimilipit ito ngayon sa sakit. "Ako ang asawa niya, ang Mistress ng Pacific. It's Miss Jacintha for you. Ang mga salita ko ay batas at inuutusan kita na dalhin mo ako sa kanya ora mismo!".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD