
Hindi akalain ni Chona na ang matagal na nilang
relasyon ni Rupert ay mauuwi lang bigla sa
wala. Yong tipong panatag kang kumikilos
araw-araw at mahimbing na natutulog tuwing
gabi at anytime na kailangan mo ng kausap,
karamay at kasama ay laging nandyan siya
tapos biglang-bigla... sa isang iglap ay biglang
nagbago ang lahat.
Wala na ang dating malambing na Rupert na
kanyang nakilala, umiiwas ng walang masabing
dahilan.
Ipinagpatuloy ni Chona ang pag aaral hanggang
sa makapagtapos ng kolehiyo. Naging abogado
siya sa kabila ng mga sakit na nararamdaman,
pero hindi ganoon kadali ang lahat. Imagine
noong month na kailangan niyang mag take ng
Bar examination doon nagsimulang magloko
ang relasyon nila ni Rupert. Kaya ang ending
eh..... bumagsak siya.
Nasira ang buhay niya hindi niya matanggap na
bumagsak siya sa bar exam sa kabila ng halos
walang tulog na ginawa niyang pagre review at
hindi rin niya alam bakit biglang nagbago si
Rupert sa kanya dahil wala naman siyang
ginawang mali na ikakagalit nito at lalong hindi
sila nagkaroon ng away na mabigat. Normal
lang ang tampuhan sa kanila pero naayos agad
iyon.
Sa loob ng 3 years nilang magkasintahan
biglang sa isang iglap na fall out of love si
Rupert sa kanya.
Nagplano siya na mag take ulit ng exam for the
second time pero hindi kaya ng isip niya na mag
concentrate. Umalis siya ng bahay nagpunta sa
kakilala niyang pari, madre, kaibigan,
kamag-anak at kahit nga yata sino bastat
makakausap niya ay kinikwento niya ang
nangyari sa relasyon nila ni Rupert. First love
niya kasi si Rupert at nakilala niya ito noong
college day niya. Taga Davao si Rupert at si
Chona ay taga Laguna, same age lang silang
dalawa 24 years old at nag aaral ng abogasya
sa UST sa Maynila. Parehas matalino at focus
sapag aaral kaya naging close silang dalawa.
Nakatulala siya minsan hindi makakain,
palaging umiiyak hanggang sa nahulog ang
katawan niya at pumayat siya. Niyaya siya ng
mga kaibigan niya na sumama sa mga charity
works para hindi mainip at mag isip, ng sa
ganon ay malibang din siya at makalimutan na
si Rupert.
At doon nila naisip na kausapin si Wency, isang
estudyante na teacher at bata ng dalawang taon
kay Chona, 22 years old taga Bacolod. Nasa
Maynila sila dahil sa isang Charity program.
Sinabi nila na kong maaari ay kaibiganin si
Chona at the same time tulungan na maging
masaya araw-araw upang bumalik ang dating
sigla at makalimot sa ex niya na si Rupert. Doon
naging magsimulang mag kaibigan sina Wency
at Chona. At first alangan si Wency kasi
nalaman niya na lawyer pala itong si Chona
kaya nahihiya siya at di malaman kong anong
approach ang gagawin para pansinin siya ni
Chona.
Laging pinupuntahan ni Wency si Chona sa
bahay nila. Kasi sabi din ng parents ni Chona
kailangan nito ng makakausap palagi para hindi
nito maisip ang ex niya na si Rupert.
Nagbonding sila, kain sa labas, punta sa disco,
nood ng sine, iyon ang ginagawa ni Wency
para malibang si Chona. Ito din kasi ang bilin ng
mga kaibigan at parents ni Chona sa kanya
dapat tulungan niya ito na makalimot sa sakit
na ginawa ng ex boyfriend niya. Pero paano niya
aaminin na habang tumatagal ay nahuhulog na
ang loob niya kay Chona? Hindi iyon pwedeng
mangyari dahil wala iyon sa usapan nila ng mga
kaibigan at parents ni Chona. Ang role lang niya
ay tulungan na makalimot at pasayahin si
Chona. Iniisip din kasi ni Wency na wala pa
siyang diploma na ihaharap sa pamilya ni Chona
if ever na magtapat siya sa dalaga. Mga
professionals kasi ang pamilya ni Chona.
Nakapg take na ulit ng Bar Exam si Chona at
ganap na siyang isang Abogado.
Ano kaya ang mangyayari kay Wency? Ano ang
magiging reaksyon ni Chona sakaling malaman
ang intensyon ni Wency sa kanya? Bumalik pa
kaya ang tiwala nito sa mga lalaki?
Magkaroon kaya ito ng lakas ng loob na
magtapat ng kanyang nararamdaman
kay Chona?
At ano ang mangyayari sa ginawa ni Rupert kay
Mabel gayong wala naman silang relasyon?
Si Mabel kaya ang dahilan kung bakit biglang
nawala ang pagmamahal ni Rupert kay Chona?
"IIBIG KAYANG MULI ANG BATAS?"
Kaabang-abang ang kanilang love story.

