MAQI’S P.O.V. KABADONG-KABADO AKO NA nagmamadaling bumaba ng kotse nang makarating ako ng mansyon. Panay pa ang tingin ko sa daan patungong gate ng mansyon dahil baka nasundan ako ni Kier. Hindi ko sigurado kung naniwala siya na ako ang nakita niya. Pero hindi ako pwedeng makampante. “Mommy!” tuwang-tuwang sigaw ng anak ko nang makita ako. Bumaba siya mula sa sofa dahil nanood pala siya sa TV. Napangiti naman ako at lumuhod kaya niyakap ako nito nang tuluyan siyang nakalapit. “Na-miss ba ako ng baby ko?” tanong ko rito. “Yes, Mom. Where’s my donuts?” sabi nito kaya natawa ako at tumayo. “Inday, paabot nga po nung donuts,” pakisuyo ko kay Inday na bitbit ang mga pinamili ko para ipasok. Lumapit ito at inabot ang donut ni GM. “Oh baby, this is yours. You like it?” sabi ko at tanong

