NARRATOR’S P.O.V. “EAT,” MAAWTORIDAD NA utos ni Gab kay Maqi habang nakaharap sila sa hapagkainan. Siya na ang nagluto, dahil hindi naman nakakalabas ito ng kwarto. “Ayoko,” walang ganang sabi ni Maqi habang nakatingin lang sa plato niya. Nakaposas ang isang kamay niya sa kamay ni Gab na animo’y wala talaga siyang takas. “Kakain ka o gusto mong ikaw ang kainin ko?” banta ni Gab na kinairap ni Maqi. “Sige nga, sabihin mo, paano ako kakain kung nakaposas ang kanang kamay ko?” sarkastikong sabi ni Maqi. “Tsk,” asik ni Gab at tumayo bago naupo sa tabi ni Maqi na umusog. Hinawakan niya ang kutsara nito at kumuha ng pagkain at inuma sa bibig nito. Napairap si Maqi at hindi sumubo kaya nang ambang hahalikan siya ni Gab ay sinubo na niya iyon na ikinangisi naman ni Gab. “Kakain ka rin pala,

