(Teejay's POV)
"Ma,nandito na po ako.."
Naglakad na ako papunta sa kwarto ko.....May sinasabi pa nga yata si mama pero dahil wala ako sa sarili ko,di ko na yun napansin...
Pagkasara ko ng pintuan ng kwarto ko,nilapag ko agad yung bag ko sa study table ko at umupo sa kama ko..
Ang galing no? May study table pa ako pero hindi ko rin naman yan nagagamit para sa pag-aaral....
Parang tambakan nga lang yan ng mga basura ko eh...
"Hayyyy..." Napahiga naman ako agad sa kama at tumingin nalang sa puting kisame ng kwarto ko...
Nasabi ko ba talaga kay Tiffany yun? Naku,baka nahalata nya na ah...
*TOK-TOK*
Tumayo naman ako agad para tingnan kung sino ang kumakatok sa pinto...
Pagkabukas ko naman...
"Anak naman,may problema ka ba? Kanina pa kita tinatawag pero di mo naman ako iniintindi.."
Ngumiti nalang ako kay mama,pinapasok ko muna sya sa loob at pinaupo sa kama ko...
Alam na alam nya na talaga kung may problema ba ako o wala..
Kaming dalawa lang kasi yung nandto sa bahay,si papa kasi,nasa ibang bansa...Alam nyo na,trabaho....Tapos may nakatatanda akong kapatid na ngayon ay may asawa na,minsan lang sila dumalaw dito kasama yung asawa at ang isang anak nya na babae....
Tinitingnan lang ako ni mama nun at parang naghihintay ng sagot sa tanong nya kanina..
"Ma,siguro po iurong nyo nalang yung napag-usapan nyo ni Tita Melissa?"
Bigla namang nagtaka yung mukha ni mama.."Bakit naman? Nakausap mo na ba si Tiffany?"
Haayy,bakit ba sa tuwing naririnig ko yung pangalan nya,sumasaya ulit ako?
Napayuko nalang ako ulit nung naalala ko yung nangyari kanina....
"Ahhh..hindi ko pa po sya nakakausap tungkol dun,pero ma,baka po kasi hindi sya pumayag..."
"Hindi mo pa naman pala sya nakakausap eh,paano mo naman nalaman na hindi sya papayag?"
"W-wala lang po,kasi........alam nyo na,baka natatakot lang po yun na baka maagaw ako agad sa kanya,kayo naman kasi mama eh,nag-anak kayo ng ubod ng gandang lalaki sa mundo...Tsk..Tsk.."
Sinusubukan ko nalang magloko sa harap ni mama,ayoko kasing pinapakita na nalulungkot ako sa harap ng ibang tao.......
"Bakit anak,hahayaan mo bang maagaw ka ng iba kung alam mo namang nasa tabi mo na sya?"
O_O Napatingin naman ako agad kay mama nun....
Tapos nakita ko nalang na napangiti si mama..
"Anak kasi,bakit ba ka-torpe mo? Wag kang matakot,wala namang masama kung aaminin mo yang nararamdaman mo eh.....Tsaka makakayanan mo ba ulit kung makikita mo sya na may kasamang iba? "
"Mama naman eh~~~~~~~"
"Hahahahahahaha....Tingnan mo nga,mahal mo talaga sya,.."
Tumayo na si mama nun at binuksan ang pinto.....Pero humarap muna sya sakin at nagsalita ng..
"AJA ANAK!!! KAYA MO YAN!!!"
(~_~) "Ma? Ano na namang lenggwahe yan? Dapat kasi di na kayo nanunuod ng mga korean movies eh...Kung ano ano natututunan nyo..."
Bigla namang nag-pout si mama.."Eh yun lang naman yung libangan ko kapag wala akong makausap dito eh..Hmm...Sige na nga,matulog ka na,Goodnight.."
Hanggang sa sinara nya na ang pinto...
Hayy naku,si mama talaga,....
"Nga pala anak.."
"AY GWAPO KO!!!! Ma!?"
Bigla bigla nalang kasing nanggugulat....
"Nakalimutan ko kasing sabihin sayo na kailangan mong umuwi ng maaga bukas,may reunion kasi kami ng mga highschool classmates ko,...Isasama kita ah? Ipapakita ko sa kanila kung gaano kagwapo ang anak ko...BYE!!!"
"MA---------"
*BAGGGGG*
(+_=) Sabi ko nga diba? Hindi na ako makakatanggi???
(End of Teejay's POV)
(Tiffany's POV)
"Tiffany,yung sinabi ko sayo ah?"
"Opo..~.~"
Si mommy naman kasi....Sinabi nang ayokong sumama sa party nila mamaya....Pilit pa ng pilit sakin.....Kaya ano pa bang magagawa ko?
Meron daw kasi silang reunion ng mga highschool friends nya,eh napag-usapan daw na dalin yung mga anak...May ganun ganuN pa naman kasing nalalaman eh....TSS....
"5 o'clock nalang kitang susunduin ah?"
Tinanguan ko nalang si Manong at pumasok na sa gate ng school namin.....Nakayuko nalang ako habang naglalakad.....Baka kasi makasalubong ko na naman yung taong mahilig huma----------------
"Tiffany...."
Oh,speaking....
Hindi ko sya pinansin,tuluy-tuloy padin ako sa paglalakad ko...
"Ui,Tiffany......Sorry na oh....Di ko naman sinasadya eh.."
"Manahimik ka dyan,late na ako..."
"Late? Eah 6: 45 palang ah? Diba 7:30 pa yung time natin?"
Napahinto naman ako at tumingin sa kanya......
"Pwede ba Teejay? Ano na naman ba yung kailangan mo?"
Huminto din sya sa pagsunod sakin at tumingin sakin ng diretso....
"Gusto ko lang namang humingi ng sorry eh..." tapos yumuko sya..
Sorry,sorry,kung lahat ng tao papatawarin agad sa pamamagitan ng sorry,malamang lahat na ng tao ngayon nagkakasala na....
"Iyon ba? O sige,aalis na ako.."
Tinalikuran ko ulit sya at nagsimula nang maglakad papunta sa room ko....Pero dahil nga sadayng makulit ang lahi nito.....
"ANO NA NAMAN?!"
Huminto ulit kami sa paglalakad.....Papaano naman kasi,habang naglalakad ako,hinihitak yung bag ko....
"Ano ba kasi yung gusto mong gawin ko para lang matanggap mo yung sorry ko?".<
"Ah basta!!!! Yun na,gawin mo akong alila,utusan mo lang ako.....Basta sumigaw ka ng "GWAPONG ALILA!!!!" pupunta agad ako..."<Teejay
"Kapal mo!!! Asa ka namang tatawagin kitang ganun..."
"So payag ka na nga? Yehey!!!!"
Ewan ko sayo.....Hindi na rin ako nagsalita nun.....Eah wala namang nasusunod sa mga sinasabi ko eh......
Maya-maya lang din,nagsisidatingan na yung mga kaklase ko.....Kaya umalis na si Teejay at pumunta na sa upuan nya.....