Chapter 02- Paano ba kasi Mag Move On?

2255 Words
_______________02_________________ Pagkadating ko naman sa room namin,eto agad ang bumungad sakin... Lahat sila nakatingin sakin....Hindi ko alam kung bakit,pero siguro nagtataka sila kung bakit si Joy na ang kasama ni Spade.. Hindi ko nalang sila pinansin,kunwari wapakels..... Nagdirediretso na ako sa upuan ko at tiningnan ko silang lahat.. "Anong problema nyo?" Pagkasabi ko naman nun,parang hindi nila ako nakita,bumalik ulit sila sa mga ginagawa nila kanina.. Hayy naku,sa totoo lang,tuwing papasok ako,nasanay na akong hatid sundo ni Spade... Pero hindi naman kasi palaging ganun ang nangyayari... Maya-maya lang din,dumating na yung teacher namin,at kasabay nyang dumating ay ang magaling na si Teejay.. So ano pa ba ang mangyayari? Edi pinagalitan sya ng teacher namin... "San ka na naman galing Mr Perez at late ka ng dumating?" "Sir,hindi pa po ako late,sabay lang tayong pumasok.." (.~~) Ganyan talaga sya,wala syang galang sa mga teachers,basta alam nyang may idadahilan sya,sasabihin nya yun.. "Sinasagot mo na naman ba ako Mr.Perez?" "Hindi po,nagpapaliwanag lang.." sabay upo nya sa upuan nya pero bago sya umupo,tumingin muna sya sakin at kinindatan ako... Arggh,feeling ko nagtaasan yung mga balahibo ko sa ginawa nya.. Nanahimik nalang si Sir pagkatapos nun,wala rin naman kasing patutunguhan yung pag-uusap nila eh... So iyon nga..Klase...klase..klase.. Hanggang sa naging lunch break na.. Agad agad akong tumayo para hindi ko makasabay sa paglabas sila Spade at Joy at makita ko pa kung paano sila maglandian!!! Bitter ba? Halos lahat naman yata ng naloloko o pinapaasa ay nagiging bitter... Nung papalabas na ako ng pinto,may humarang na naman sakin... Sino pa ba yung mahilig humarang sa dadaanan ko? Kaya ang ginawa ko,pumunta ako sa kanan,kaso ganun din sya,pupunta ako sa kaliwa,pupunta din sya sa kaliwa...So wala na akong magagawa,ihahampas ko na sana sa kanya tong bag ko kaso nasalo nya agad.. Nakalimutan ko,lalaki nga pala sya,babae lang ako... "Ano bang ginagawa mo?!" "San ka pupunta?" "Sa canteen malamang,lumayas ka nga dyan at nagugutom na ako.." Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase ko pati nadin ng mga tao sa labas... Akalain nyo naman kasi,hindi naman kami close dati,pero tong isa feeling masyado.. "Tara,sabay na tayo.." tapos hinitak nya ako papunta sa canteen... Hindi na ako nagpumiglas,bakit may magagawa pa ba ako kung gagawin ko yun? Nung nasa canteen naman kami,sya yung unang umupo sa table.. "Ang gentleman mo naman!!!" sabi ko sa kanya.. Tapos tumingin naman sya sakin..."Ay andyan ka nga pala,nakalimutan ko!!! Hahaha.." (~.~) Hindi wala,wala na ako dito,imahinasyon mo lang ako...kaasar to... Tumayo naman sya agad at pinaupo ako sa bangko na inupuan nya kanina... "Dyan ka na lang,ako na ang bibili ng pagkain mo.." "Hindi,ako na lang!!!" "Hindi,ako na.." "Kaya ko na kasi.." "Mas kaya ko kasi lalaki ako!!" "Ano naman konek non?" "Wala,sige na,umupo ka na dyan at ako na.." "Ako nalang sina--------" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng may suminngit sa usapan namin.. "Ako na.." Hindi ko alam kung ano yung itsura ko ngayon,feeling ko nakanganga ako ngayon... Bakit nandito sya? Tsaka bakit nya ako ibibili ng pagkain? Para paasahin na naman ako? ASA SYA!! HINDI NA AKO TANGA... "Hindi,sige,Teejay,ikaw nalang....." Napatingin naman sakin si Teejay at pagkatapos nun,umalis na sya.. So kaming dalawa nalang ni Spade ang natitira dito.... "Umalis ka na.." "Mamayang hapon,dun sa court,mag-usap tayo.." Napatingin ako sa kanya,na lumabas ng canteen... Anong sabi nya? Pumunta daw ako sa court? Aano naman ako dun? "TIFFANY!!!!!" "AHHHH!!!!" Napatayo naman ako bigla sa sobrang gulat..... Tapos nakita ko yung mga estudyante na nakatingin sakin.... Kaya ang ginawa ko,umupo ako agad at kunwari walang nangyari... "Ang galing mo ding magtago ng nararamdaman no?" Umupo na din sya sa tapat ko,tiningnan ko naman sya ng masama... "Walang hiya ka,bat ka ba bigla bigla sumisigaw dyan?" Tiningnan nya muna ako bago kinuha yung inorder nyang hamburger tsaka french fries.....Yun lang yung lunch nya? "Ah,Teejay,eto pa yung adobo with rice mo.." "Thank you po!!^______^" Nilapag naman ni Kuya yung order ni Teejay... (-_-) Akala ko iyon lang yung inorder nya eh.. Sakin naman,fried chicken with rice at saging yung inorder nya... "Tinatanong mo ako kung bakit ako sumigaw? Paano ba naman kasi,kanina pa kita tinatawag pero nakatingin ka lang dun sa may pinto kanina.."sabay subo ng kanin... Nawala pala ako sa sarili ko kanina.....Sa tuwing lumalapit nalang si Spade,nagkakaganun ako.. Kahit pala anong gawin kong pagkumbinsi sa sarili na kamuhian sya,hindi ko padin magawa... "Teejay,paano ba mag-move on?" Nakayuko lang ako nun kaya hindi ko makita yung reaksyon nya..... Pero napansin ko namang huminto sya sa pagkain nung kinakain nya.. "Ano namang ibig mong sabihin?" Napatingin na ako sa kanya nun.....Seryoso na yung mukha nya....Feeling ko ibang Teejay yung nasa harap ko ngayon... "H-ha? W-wala....Wag mo nalang akong intindihin.." Bakit ko nga ba kasi kinkausap tong lalaking to? Tsaka pakielam nya ba sakin? Sinasayang ko lang yung oras ko sa kanya... "Bakit? Hanggang ngayon ba,inlove ka pa din sa kanya?" ----- "Bakit? Hanggang ngayon ba,inlove ka pa din sa kanya?" Sa tanong nyang yun,hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.... May part sakin na sinasabing hindi ko na sya mahal,na kailangan kong magalit sa kanya dahil sinaktan nya lang ako... Pero meron din naman sakin na nanghihina sa tuwing nakikita ko sya,na parang sumasaya ako sa tuwing naririnig ko ang boses nya... ARGHHH!!!!! BALIW KA NA TIFFANY!!!! "W-wala akong sinasabi.." Tumingin nalang ako sa pagkain ko at nilaro laro ito,wala ako sa mood kumain eh.... Narinig ko namang nagbuntong hininga si Teejay.... "Alam mo,nakakainis ka na.." Di padin ako tumitingin sa kanya nun.......Hindi nya naman kasi alam yung mga pinagdadaanan ko eh... "Alam mo naman kasing nasasaktan ka na,pinipilit mo pading mahalin sya.....Na kahit alam mo nang wala ka ng pag-asa sa kanya......Lumalapit ka padin sa kanya..." Napatingin naman ako agad kay Teejay nun.... "Ano bang pinagsasasabi mo dyan ha? Ano bang pakielam mo? May alam ka ba? " Nagkakatitigan lang kami nun,parang naglalaban na kami sa pamamagitan ng pagtingin namin sa bawat isa.... Nakakainis kasi sya,makapagsalita sya kala mo kung sino sya... Ilang segundo na ang nakalilipas,di pa din sya nagsasalita.....Kaya tumayo na ako at iniwanan sya duon na nakatulala...Siguro napag-isip isip nya din na hindi na dapat sya makielam doon.... Bumalik na ako sa room nun at doon nalang umupo..... Dumukmo nalang ako...... Pero napag-isip isip ko lang din..... Tama rin naman ang sinabi ni Teejay diba? "Ok,class dismissed!!!" Nagsitayuan na kami at inayos ang mga notebooks namin..... Ako naman,pagkatapos kong ayusin ang notebooks ko,umalis kaagad ako sa room at naglakad papunta sa court... Oo,gusto ko din syang makausap para masagot na lahat ng tanong ko.... Tinatanong nyo si Teejay? Iyon,di ko sya pinapansin,kahit na tinatawag nya ako.... At ngayon nga,nandito na ako sa court....Wala pa si Spade,kaya umupo muna ako at hinintay sya doon... Siguro mga 20 minutes na akong nakaupo doon pero wala padin sya.... Eto na naman ba? Isa na naman ba to sa mga paraan nya para pagmukhain akong tanga? Hindi ko na alam kung bakit pa ako naniniwala sa kanya...Tama nga si Teejay..... Sa huling pagkakataon,nagpauto na naman ako sa kanya... Hayy Tiffany,ang engot mo talaga!!! Kaya napagdesisyunan ko nang umalis.....Pero di pa ako nakakalabas ng court na may tumawag sakin.. "Tiffany!!!!" Si Spade.... Lumapit naman sya sakin agad na parang hingal na hingal... "Pasensya na kung na-late ako....Ahmm,hinatid ko pa kasi si Joy eh.." AANSKJABDJBASJCHGCC!!!! NAMAN OH!!!! "Pakielam ko? So,ano bang pag-uusapan natin dito?" Nakita kong nanlaki yung mga mata nya sa sinabi ko,siguro hindi nya ineexpct na ganun ang sasabihin ko.... "Ahh..kasi,gusto ko lang magpaliwanag.." "Ganun ba? Sige,aalis na ako..." maglalakad na sana ako ng hinawakan nya ako sa braso... "Sandali Tiffany..Let me explain..Please.." Tumingin naman ako sa kanya... "K-kasi,sorry kung hindi namin nasabi sayo ni Joy na---------" "Matagal nyo na akong niloloko?" Takte naiiyak ako.....!!! BATMAN!!! KUNIN MO NA AKO!!!! ILIPAD MO NA AKO PAPALAYO SA SPADE NA TO!!!! "H-hindi naman Tiffany pero kasi-----" "Spade tapatin mo nga ako,ano bang nagawa ko sayo? At yung bestfriend ko pa talaga yung pinatos mo?" Pinipigilan ko nalang talagang umiyak.....Ang sakit pala kapag ganto.... "K-kasi Tiffany..*sigh* Sige,tatapatin na kita Tiffany......Nasakal ako sayo nung tayo pa--------" "NASAKAL? PUNY**** NAMAN SPADE!!!! EH HALOS LAHAT NA NGA BINIGAY KO SAYO!!! TAPOS SASABIHIN MO NASAKAL KA?" "Ang ibig kong sabihin,hindi naman talaga kita gusto eh,napilitan lang ako.....Dahil sinabi sakin ni Joy na may gusto ka nga daw sakin kahit na ang mahal ko talaga ay si Joy...Sinabi nya sakin na kailangan daw kitang magustuhan.....So ginawa ko naman,pero hindi ko kaya,mahal ko si Joy,kaya sinabi ko sa kanya yun,at parehas pala kami ng nararamdam--------" *PAK* "WALANG HIYA KA SPADE!!!! MANLOLOKO KAYO!!! " Pinaghahampas ko sya ng bag nun...OO GALIT NA GALIT AKO!!! Gusto syang tagain sa totoo lang.... Nung una gusto kong malaman kung bakit nila ako niloko,pero nung nalaman ko na? Ang sakit!! T_T "ANO BA ANG MERON SI JOY NA WALA AKO? HA SPADE? ANO?" Pilit nyang sinasangga yung mga paghahampas ko sa kanya..... "Iba kasi si Joy Tiffany......Kahit wala syang ginagawa sa sarili nya,kahit hindi sya mag-ayos,may something sa kanya na talagang mapapaibig ka.....Effortless ang ganda nya....Sa labas man o sa loob..." sabi ni Spade "Ganda? Hahahaha....so ganda lang pla ang hanap mo? Eh SNADJSJ KA PALA EH!!!!" Kung lahat ng lalaki itsura lang ang hinahanap sa isang babae... Eh kung ganun pala,Edi MAMATAY NA SILANG LAHAT... MGA BWISIT SILA,AANIN NAMAN NILA YUNG GANDA KUNG IMPAKTA NAMAN SYA? "Tiffany....Ouch....pasen-----aray...." "MGA MANLOLOKO KAYO!!! SINUNGALING!!!! MGA WALANG IS-------------ANO BA? BITAWAN MO NGA AKO!!!" Naiinis na talaga ako sa kanya!!!! Palagi nalang syang nakikielam sa buhay ko.... Hinawakan nya ako sa braso at pilit na inilalayo kay Spade.. "Pabayaan mo ako!!! Sasaktan ko sya sa paraang gusto ko!!!" "Bakit,sa tingin mo ba kung sasaktan mo sya ngayon,mapapalitan nun yung sakit na nararamdaman mo?" Napahinto ako sa sinabi ni Teejay....Oo,gustong-gusto kong tadyakan si Spade,gusto ko syang ilaglag sa bangin....Ang sakit kasi ng ginawa nila sakin... Nakatingin lang sakin si Teejay nun,at ganun din naman ako sa kanya.. "Kung gusto mong mawala yang sakit na nararamdaman mo ngayon,wag sa ganyang paraan,kung gusto mo.......Tutulungan pa kita.." Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Teejay ngayon,basta ang alam ko,kinakabahan ako....Ang lakas ng pintig ng puso ko....Hindi ko alam kung bakit... Humarap naman si Teejay kay Spade.. "Ikaw naman,kung noon pa man hindi mo na sya gusto,kahit na alam mong may gusto sya sayo,hindi mo nalang sana pinilit ang sarili mo na magustuhan sya....Dahil nakakasakit ka lang ng tao.." Pagkasabi nya nun,hinitak nya ulit ako at iniwan si Spade sa court... Medyo madilim na din,at hindi ko alam kung saan ako dadalin ni Teejay,kaya inalis ko yung kamay nya na nakahawak sa braso ko... Kaso ayaw nyang bitawan yun,medyo masakit na... "ANO BA TEEJAY? BITAWAN MO---------Hmmmmm.." O_O B-bakit nya ginagawa to? Hindi ko maigalaw ang katawan ko....Ayaw mag-function ng utak ko... Nakadilat ang mga mata ko nun habang nakikita ko ang mukha ni Teejay na sobrang lapit sa mukha ko.....Dahil hinahalikan nya ako... Oo,first ko to,kahit na naging kami ni Spade,hindi nya ako kiniss ni cheeks man lang.. Hindi ko alam kung bakit ayaw gumalaw ng katawan ko,siguro sa bigla? Basta,hindi ko alam.. Yung mga mata ni Teejay,nakapikit lang...... At nung nagkaroon na ako ng lakas ng loob para itulak sya.. *PAK* "BASTOS KA!!!" Nakita ko na nagulat sya sa ginawa ko,napahawak naman sya agad sa pisngi nya kung san ko sya sinampal... Bakit.....nya ginawa yun????? Hanggang ngayon,ang bilis bilis ng t***k ng puso ko.....Parang naubusan ako ng hininga kanina kaya ngayon ay naghahabol ako ng hangin... At sa huling pagkakataon,huminga muna ako ng malalim... "Pakiusap lang,wag na wag mo na akong kakausapin simula ngayon.." Napatingin sya ulit sakin... "P-pero Tiffany....." "Ilang beses ko bang.....sasabihin sayo??? Wag mo akong pakielaman....Buhay ko to eh Teejay...Buhay KO!!!! Kaya kung may problema man ako,ako lang...AKO ang makakalutas nun....AKO ang mag-iisip ng solusyon kung paano makakawala doon...Tsaka isa pa pala.... . . . . . . . Ano ba kita?" Nakita ko namang napayuko sya bigla.....Bakit? May masama ba sa sinabi ko??? Tumalikod na ako sa kanya at magsisimula na sanang maglakad ng magsalita ulit sya... "Oo nga pala,ano mo nga ba ako? Wala naman akong karapatan para pakielaman ang buhay mo...Pero Tiffany,gusto lang naman kitang tulungan eh...Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang umiiyak....Pero sabi mo nga,IKAW lang ang makalulutas nyan....Kaya sige.....Ayoko na.." Tapos naglakad na din sya at nilagpasan ako..... Ano ba kasing problema nya???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD