"kumain ka muna" ayaw paawat na sabi ni Boss sakin ng mag paalam akong aalis na ako. "Ah hindi na talaga Boss sa bahay nalang po ako" sabi ko habang hindi pa din makatingin sakanya Hanggang ngayon ay hindi pa din ako maka move on ng dahil sa nalaman ko na magiging tatay na si Boss. Kahit nung hinalikan niya kanina ang noo ko sa harap ng mama niya bago ito umalis ay parang wala na sakin kundi naisip ko pa ang maaring maging reaction ng magiging ina ng anak niya pag nakita niya si Boss na may hinalikan na ibang babae sa noo. "Is there something wrong?" Sinusubukang hulihin ni Boss ang tingin ko pero pilit ko talaga itong iniiwas .natatakot kasi ako sa emotion na maaring mabasa niya sa mata ko Pero ang pinaka hindi ko talaga gusto ay kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Hindi ko din ma

