Simula nung araw na umalis ako sa place ni Boss ay hindi na kami nag papansinan, ako na din mismo ang umiiwas para na din sa kaniya, syempre kung merong bro code ang mga lalaki meron ding sis code. Alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginagawang masama pero mabuti na ang advance mag isip at least iwas na sa sakuna. Kadalasan hindi na din ako tumatagal sa loob ng opisina ni boss baka kasi mag surprise visit yung future wife niya at baka ano ang isipin niya pag nakita ako kasama ang fiance niya diba? Baka magugulat nalang ako isang araw may humihila na ng buhok ko at kaladkarin ako palabas ng office,nako mahal ko ang trabaho ko aside sa boss ko. Napabuntong hininga ako at pinag patuloy nalamang ang pagkain "Ay te haggard na haggard peg natin ngayon ah! anyari?" tanong sakin ni Pam haba

