Sabi nila, minsan daw sa buhay mo ay mararanasan mong magmahal nang todo. Iyong ibibigay mo ang sarili mo nang buong-buo. Iyong walang matitira. Iyong kahit katiting na lamang na isusubo mo na ay ibibigay mo pa. At ang sabi nila, kapag naranasan mo na ang klase ng pagmamahal na iyon, pwede mo nang sabihin na kilalang-kilala mo na talaga ang sarili mo. Naging masalimuot man, mahirap at madugo, iyon naman ang dahilan kung bakit ngayon ay alam mo na ang iyong mga limitasyon. Kapag kulang, kapag sobra. Kabisado mo na at hinding-hindi ka na papalya pa. Tutal ay sabi-sabi lang naman ito, hindi ko alam kung gusto ko bang paniwalaan o hindi. Dahil gusto kong maniwala na kaya namang magmahal ng isang tao hindi base sa kaniyang pagkakamali sa buhay. Hindi naman niya kailangang maging perpekto par
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


