Mahal ko siya. Mahal na mahal. At walang ibang salitang nakapaglarawan sa nararamdaman ko kung hindi ang salitang iyon lamang. Hindi ko alam kung paano o kailan nagsimula pero umabot na sa puntong sobrang sakit para sa aking iwan siya ritong mag-isa. Hindi dahil alam ko sa sarili kong mahal ko na siya ngunit dahil alam kong dito ay naghihirap siya at nag-iisa. At dahil alam kong kapag ganoon nga ang nangyari ay hinding-hindi ko kakayanin. Gusto ko siya, aaminin ko. Gustong-gusto ko na para bang madudurog ang mundo ko kung hindi ko hahayaan ang sarili kong gustuhin at mahalin siya. Hindi ko alam kung kailan, hindi ko alam kung paano. Ang alam ko lang, siya ang nag-iisang pinakagusto ko at gagawin ko ang lahat para lang makuha iyon. Ganoong-ganoon ako pagdating sa aking pamilya at mga pa

