Mahigit trenta minutos ko na sigurong tinititigan ang aking hawak sa aking kamay. Puti. Papel. Puro pera. Iyon ang sobreng ibinigay sa akin ni Madame Sofia na pang-enroll ko sana. Nasa sa akin pa rin iyon at kahit singkong duling ay wala akong ginalaw. Pero sa panibagong umagang iyon ay nahawakan ko na at mariing sinuri. Tandang-tanda ko pa ang sinabi sa akin ni Archie noong humingi ako ng payo sa kaniya patungkol sa pagsuplong sa isang tao na alam kong masama ngunit wala akong kakayanang patumbahin o paaamin sa kaniyang mga kasalanan. Ang payo niya? Ebidensiya. Solido at konkretong ebidensiya. Sa ganoong paraan ko lamang daw mahuhuli ang isang tao at tiyak na hindi na makakawala pa. Sa ebidensiya. Habang hawak ko ang puting

