“Clara! Ano ba, Clara?! Bubuksan mo ba ang pinto o hindi?!” Napabalikwas ako sa kama nang marinig ang matinis na boses ni Madame Sofia. Sa bilis kong bumangon ay nakalimutan kong double deck na pala ang higaan ko! Tumama ang noo ko sa bakal! “A-Aray!” Sinapo ko ang ulo. Sinusubukan ko namang masanay sa bagong pamumuhay pero may mga oras talagang akala ko ay nasa probinsiya pa ako kung saan dating nakatira. Malayong-malayo ang maliit naming bahay sa magarang mansyon ng mga Delgado. “Clara, ano ba?! Buksan mo sabi!” mala-tigreng sigaw ni Madame Sofia. “M-Ma’am! Gising na po ako!” taranta kong sagot. Nagkukumahog akong bumangon sa kama, hindi alintana ang aking bagong gising na itsura. Dinaanan ko sa salaming magulo ang aking hanggang baywang na buhok at naniningkit ang bilugang mga mat

