Nang balingan ko si Rodel ay napailing lamang siya at humakbang na palayo. Nalaglag ang aking panga. “R-Rodel! Sandali lang...” Sinubukan kong hawakan ulit ang kaniyang braso, iisip na gagana iyon at hihinto siya katulad ng sa kanina ngunit hinarap lamang niya ako gamit ang malamig na mga mata. “Sinusundo ka na, Clara. Ang mabuti pa ay sumama ka na sa kaniya dahil marami pa akong gagawin.” Lumamlam ang aking mga mata. Hindi ako nakasagot kaagad. Hindi man inalis ni Rodel ang aking kamay sa kaniyang braso ay iritado niya itong sinipat. Kaya ako na mismo ang tanggal noon. “S-Sige. Ingat ka…” sabi ko na lang. Isang tipid na tango lamang ang ibinigay ni Rodel pagkatapos ay naglakad na palayo. At habang pinagmamasdan siya sa kaniya

