Kabanata 74

2155 Words

Sa mga sumunod na eksena ng aking buhay ay parang nakatira lamang ako sa alapaap. Sobrang ganda, sobrang gaan. Para bang langit na mismo ang nagbigay at tumaliwas sa inukit ng tadhana. Akalain mo, minahal din ako ng taong mahal ko? Ako na isang babaeng galing sa isang malayong lugar at nang tumapak dito sa Kamaynilaan ay walang kaalam-alam... Ako na tahimik lamang at nag-oobserba, ako na katahimikan lamang ang kayang maibigay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na sinabi ni Archie sa akin na wa wakas, sa dami ng aking mga iniyak at sa lalim ng aking mga hiniling. Sa hirap ng aking mga pinagdaanan at sa libo ng aking mga pinagdudahan... mahal na rin niya ako. Sa wakas, may wakas din pala ang mga paghihirap ko. Mahal ako ni Archie. Mahal na ako ni Archie. Mahal na rin ako ni Archie

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD