Kabanata 73

2152 Words

"Miss, juice?" Bahagya akong natauhan sa biglaang pagsulpot ng kung sino. Sekretarya lamang pala ni Archie na may dalang tray. Ibinaba niya iyon sa harapan ko kaya naman napag-alaman kong orange juice. "Uhh... Ate, tubig na lang po..." sabi ko kaagad. Napahinto ang sekretarya bago pa man tuluyang maibagsak ang tray sa coffee table. Umayos ito ng tayo, ngayon ay nakangiwi na sa akin. "Okay, miss. Tubig pala." Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. Halos manliit tuloy ako sa aking kinauupuan. Kung makatingin kasi siya ay parang isa akong kuto na kating-kati na niyang tirisin. Siguro ay pagdating niya sa kaniyang desk ay iirapan niya ako nang palihim dahil iyon na ang batid kong gustong gawin ng kaniyang matutulis na mga mata ngayon. "S-Sige po. Thank you..." pahabol ko bilang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD