Kabanata 72

2254 Words

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ni Madame Sofia pero isinama niya ako sa kaniyang pag-akyat sa opisina ni Archie, kung iyon ang totoo ngang tinutukoy ng babae. Doon din pala ang punta niya. Sa totoo lang ay naguluhan nga rin ako dahil unang-una na sa lahat ay hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa ni Madame Sofia rito. Hindi ko tuloy napigilan ang aking sarili na isiping... sa mga oras ba na wala si Archie sa bahay ay rito sa kaniyang opisina naman kinikita ang asawa? Hindi ba ay sinabi niyang maghihiwalay na sila? Na... tapos na siyang magtiis at hindi na ito muling hahabulin? Hindi ba ay si Archie  mismo ang nagsabi sa akin na hindi na siya ngunit ako na ang kaniyang pinipili? Tapos kanina ay nagmamadali ring umalis si Archie. Hindi nakatulong iyon sa aking mga pagdududa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD