Sa mga sumunod na araw ay hindi ko maipaliwanag ang aking kasiyahan. Pakiramdam ko ay hindi na iyon mauubos pa at habang buhay nang dala ng aking kaluluwa. Wala na akong mahihiling pa. Mamamatay na akong tahimik at matiwasay. Dahil din sa saya ko na iyon ay naging maayos na rin ako sa pangkalahatang aspeto. Nakakakain na ako nang regular sa maghapon at nakagagawa na rin ng mga assignment at proyekto. Iyong mga mabababa kong grado ay sinusubukan kong pataasin at nakikinig na rin ako sa klase. Oo, marami pa ring mga sabi-sabi patungkol sa amin at sa paghihiwalay ng mag-asawang Delgado ngunit kahit iyon ay hindi natapakan ang aking nakasisilaw na kasiyahan. Para bang gustong-gusto ko laging gumising sa, bumangon mula sa kama, at hamakin ang isang maghapon. Kumpleto na ako. Pakiramdam ko ay

