“Clara, huy! Tulala ka na naman…” Bumungad ang mukha ni Milly sa aking paningin. Natauhan naman ako at itinuloy ang pagwawalis. Kaso ay hindi ko talaga napigilan ang aking sariling tanawin ang kabilang banda. Sa gilid ng aking mga mata ay sinundan ni Milly ang aking tingin. Isang buntong-hininga tuloy ang aking narinig sa kaniya. “Hindi iyan gagalaw riyan, Clara,” aniya. “Ang mabuti pa ay bilisan na lang natin dito para matapos na tayo kaagad. Pagod na ako. Ang sakit na nga ng balakang ko e.” “Paano kung… puntahan ko kaya? Kausapin? Kasi kawawa naman…” “Pabayaan mo na lang muna iyong tao, Clara. Mas mahalagang magawa natin ang trabaho natin ngayon. Tingnan mo nga itong mga kalat dito.” Hindi na ako su

