Pagkalipas ng ilang minutong niyayakap ko lamang si Archie ay kinailangan ko ring humiwalay. Ang gusto ko lang naman mangyari ay ang tingnan kung ano na ba talaga ang lagay niya pero susundin ko pa rin si Milly na hayaan siya sa kaniyang sarili ngayong gabi. Baka rin kasi… may maidulot na maganda iyon. Baka may bago siyang ma-realize. Hindi biro ang paghahamon ng annulment kaya panigurado akong maraming naisip si Archie ngayong gabi sa pang-unang beses. Hindi nakatakas doon siyempre ang paghiling ko na sana ay… maisip din niya ang… sa amin. Ang namamagitan sa akin at sa kaniya. Hindi ba ay sinabi naman niya sa akin noong isang araw na kapag may pagkakataon ay hindi niya pipigilan? Na kung may dahilan man ay hindi niya aatrasan? Ito na iyon… Ito na ang sagot ng langit doon… Pero syempr

