Kinabukasan ay parang normal lang ang lahat. Kung pwede nga lang e, kung ganoon lang ang siste. Nagising si Archie na walang binabanggit tungkol sa nangyari kahapon. Kami rin namang mga kasama niya sa bahay ay hindi na rin sumubok. Minamatyagan ko lamang si Archie sa kaniyang mga kilos at masasabi kong halos parang wala ngang nangyari. Kung hindi ko nga lang siya lubusang kilala ay iisipin kong ganoon lang kabilis bumalik sa dati ang lahat. Pero hindi ganoon e. Kahit naman papaano ay nakilala ko iyong tao at masasabi kong… sa kaniyang mumunting mga kilos ay alam kong may pinagdadaanan siya. Katulad na lamang ng hindi pagkain sa breakfast. Wala na ring kape. Ibig sabihin, walang laman ang tiyan niyang lalabas ng bahay at papasok sa opisina. Katulad na lamang din noong halos nangalahati na

