Kanina pa ako pabalik-balik dito sa sala. Kung siguro bibilangin ko ay baka nga umabot na sa sampung kilometro ang aking paglalakad. Nauupod na rin ang mga daliri ko sa aking pagkutkot dito dahil iyon ang aking pinaglalaruan kanina pa. Kung hindi kinakagat ay binabalatan ko iyon. Para bang may nakarinig sa muntik katahimikan sa utak ko at ginambala na naman ako. Iyon ay sa pamamagitan ng mga naririnig kong sigawan mula sa itaas. Doon sa may opisina ni Madame Sofia, kung mas tiyak. Napapaigtad ako sa tuwing maririnig ang kanilang matataas na mga boses. Pero ang mas nakakaasiwa pa ay naririnig ko man sila, hindi ko naman sila maintindihan. Parang pinapaalam lang sa akin na may madugong giyera na namang nagaganap pero kahit gusto kong tumulong… o umiwas…

